^

PSN Showbiz

Award winning director napi-peste na sa actor na hindi makaarte dahil sa sobrang botox

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang veteran director ang nagkuwento sa amin na hirap umano ang kanyang kaibigan at kasamahang director sa isang actor dahil hindi nito (actor) makuha ang emosyon na gusto sa kanya ng director sa ginagawa nitong pelikula. Ang dahilan, nasobrahan umano sa botox ang actor kaya hindi nito mailabas ang hinihinging facial expression sa kanya.

Kung tutuusin, magaling ang actor.  Ang problema nga lamang ay hindi na halos gumagalaw ang mukha nito bagay na ikinaiirita na ng director dahil nakaka-ilang takes na sila ay hindi pa rin makuha ng actor ang hinihingi sa kanya ng award-winning director.

Hindi naman daw puwedeng palitan ang actor sa pelikula dahil ongoing na ang shooting at ayaw naman ng director na hindi sila umabot sa target ng pagtatapos ng pelikula dahil lamang sa actor. Pero naroon talaga ang frustration ng director sa kanyang lead actor.

Marian naghahanda nang magkaanak

Kahit mahigit dalawang buwan pa lamang kasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, kitang-kita kay Mrs. Dantes ang pagiging masaya at contented wife ng actor-director.

Sa formal launch ng pinakabago at sariling scents ni Marian under Bench, ang Inner Beauty na ginanap sa Trinoma Activity Center last Saturday afternoon, kitang-kita sa mukha ng Kapuso primetime queen ang kaligayahan na kanyang na­raramdaman bilang misis ni Dingdong. Ipinamalas din ni Marian dito ang kanyang husay sa pagsa­yaw ng Flamenco.  Sayang nga lamang at hindi ito nasaksihan ng Bench big boss na si Ben Chan na nasa ibang bansa.

Ayon kay Marian, nakakatuwa lamang ngayon dahil kasama na niya sa iisang bubong ang kanyang mahal na si Dingdong.

Dahil misis na siya and eventually ay magka­ka­roon sila ng bagong karagdagan sa kanilang pa­mil­ya in the future, nag-aaral si Marian ng culinary arts dahil gustong-gusto niyang ipagluto ng masasa­rap na pagkain ang kanyang mister.

Samantala, bukod sa mga product endorsements na ang pinakabago ay ang Inner Beauty scents ng Bench, malapit na rin simulan ni Marian ang kanyang bagong teleserye sa GMA at ganoon din naman ang kanyang mister na si Dingdong.

Daniel at Kathryn craze umabot na ng Taiwan

Ibang klase talaga ang kasikatan ngayon ng Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Umabot na rin kasi sa bansang Taiwan ang sobrang init ng loveteam ng dalawa dahil na-feature sina Daniel at Kathryn sa isang TV program dito na may kinalaman sa kanilang hit movie na Crazy Beautiful You.

Walang alinlangan na ang tambalan nina Daniel at Kathryn ang pinakamainit ngayon sa pinakabagong henerasyon ng mga teen stars.

ACTOR

BEN CHAN

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DAHIL

DANIEL PADILLA

DIRECTOR

INNER BEAUTY

KANYANG

KATHRYN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with