Mas mataray pa sa babae male personality reklamador na, inggitero pa!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2015 - 12:00am

Ilang impormante ang nakakuwentuhan namin kailan lang na nagpatunay kung gaano talaga kaangas ang isang male personality na mas mataray pa kesa sa babae kapag inaapuntahan ng kamaldituhan.

Kasama nilang nagtatrabaho sa isang malaking network ang male singer, bumibida siya sa isang sikat na variety show, itinuturing siyang poste ng nasabing programa kaya ‘yun ang nagbibigay sa kanya ng pasaporteng magmaldito.

Kuwento ng isang source, “Sa study tape pa lang, meron na siyang mga tanong. Ilang songs ang kakantahin niya, ilan naman ang para sa iba niyang mga kasamahan, marami siyang tanong talaga. Mabusisi siya.

“Kapag sinabi sa kanya na tatlo ang sa iba at dalawa lang ang sa kanya, magmamarakulyo na siya! Bakit daw dalawa lang ang songs para sa kanya, dapat daw, pantay-pantay lang sila.

“Sasabihin naman ng kausap niya, ‘Mas marami ‘yung kay ganito at ganyan, kasi, birthday niya ngayon.’ Ang isasagot naman ng malditong singer, ‘Ganu’n? Nag-birthday lang, may additional spot number na agad?’

“Masyado siyang maldito, pa-sarcastic palagi ang mga salita niya, mahirap siyang katrabaho sa show dahil mareklamo at maangas siya,” kuwento ng impormante.

Hindi gusto ng kanyang mga katrabaho ang male singer, may sarili kasi siyang mundo, kapag nasa dressing room na ang male singer ay ayaw na niyang nagpapaistorbo.

Sabi naman ng isa pang source, “Kasi raw, e, nagbo-vocalize na siya, ayaw niyang naaabala siya kapag nagsisimula na siyang magsisigaw sa dressing room. Ganu’n siya katindi, ganu’n siya kamaldito, marami siyang chechebureche sa katawan,” pagpapatunay ng source tungkol sa male singer.

Kung gaano katinding bumirit ang male singer ay ganu’n din siya kamaldito. Ganu’n din kataas ang kanyang boses kapag nagrereklamo.

Ubos!

Lani ipinagpapasa-Diyos ang nangyari kay Jolo

Kung meron mang mga babaeng dapat putungan ng korona sa pagiging martyr, siguro’y hindi mawawala sa listahan ang pangalan ni Congresswoman Lani Mercado, napakaraming dahilan kung bakit.

Sa pakikipagrelasyon ay wala nang kailangan pang idetalye, matibay na monumento ang puwedeng itayo para sa kanya, bibihirang misis ang makagagawa at makapagpapakita ng katapangang meron ang isang Lani Mercado.

Bilang ina ay hindi rin simple ang kanyang sitwasyon, wala siyang napabayaang anak kahit pa abala siya sa trabaho, personal naming nakikita kung paano nagsilaki ang mga anak nila ni Senador Bong Revilla sa maayos na paraan.

Marerespeto ang mga anak nila, walang yabang sa katawan, ang ganu’n kagandang katangian ay dapat lang ipaangkin sa mga kamay na nagpala sa kanila.

Nakasalang na naman si Congresswoman Lani ngayon sa matinding pag­hamon. Bukod sa pagkakapiit ng kanyang mister ay halos ikahimatay niya ang pagtanggap sa balitang nabaril ng kanyang anak na si Vice-Governor Jolo Revilla ang sarili habang naglilinis ng kanyang armas.

Walang ibang tinawagan ang aktres-pulitiko nang malaman ‘yun, agad siyang pumikit at umusal ng panalangin para sa kaligtasan ng kanyang anak, ang lahat-lahat ng mga nangyayari ngayon sa kanilang pamilya ay ihinihingi niya ng tulong at paggabay sa Panginoon.

“Sa Kanya ko na ipinauubaya ang lahat. May magagawa kami, pero siya ang mas nakakaalam,” pahayag ni Congresswoman Lani Mercado.

CONGRESSWOMAN LANI CONGRESSWOMAN LANI MERCADO GANU ILANG KANYANG LANG SIYA SIYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with