^

PSN Showbiz

Nasa dalaga na raw ang lahat Enrique tinamaan talaga kay Liza!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Enrique Gil na talagang mayroong siyang nararamdaman para kay Liza Soberano. Matalik na magkaibigan na raw ang dalawa ngayon pagkatapos ng ilang buwan na magkasama dahil sa teleseryeng Forevermore. “Sobrang bait niyang tao in and out. She’s the most beautiful girl na nakita ko. Para sa akin, I am having a best friend, she’s not only a friend, siyempre there is something more special than that. Siyempre gusto mo siya at ‘pag pinagsama mo ‘yun, jackpot na, solid ‘yun, at siyempre super happy,” nakangiting pag-amin ni Enrique.

Nasa aktres na raw ang lahat ng katangian na hinahanap ni Enrique sa isang babae. “Una sa lahat nagustuhan ko siya, sobrang humble niya. Mas nagustuhan ko siya when nalaman ko ‘yung kuwento ng buhay niya. Doon talaga ako na-wow at saka masarap siya kasama. Kung ako favorite ko cookies and cream, favorite din niya cookies and cream. Ako ayoko ng suka, siya allergic sa suka. So sobrang nagja-jive talaga kami. sobrang nakakatuwa na to find a girl na tulad niya,” kuwento ni Enrique.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang serye. “Sa lahat ng nagpapa-trend sa amin sa Twitter, laging number one nationwide, worldwide, maraming salamat for all your effort. Huwag kayong mag-alala, relax lang kayo, I love you all,” pagtatapos ng aktor.

Ayaw ng may kahawig?! Kathryn aminadong naiilang kay Nadine

Bahagi si Kathryn Bernardo ng It Girls ng programang ASAP. Kasama ng dalaga sa nasabing grupo sina Liza Soberano, Janella Salvador at Julia Barretto. Para kay Kathryn ay hindi raw dapat pinagkukumpara ang miyembro ng kanilang grupo dahil may kanya-kanya naman silang talento. “Kaming apat magkakaiba kami lalo na sa personality. Maybe sa pag-arte namin or ‘yung mga kung saan ang strengths and weaknesses namin. Kasi with Julia, she’s very pretty, she’s very smart, alam naman natin ‘yan. And then si Liza, nakasama ko siya sa Must Be Love at Got 2 Believe, and nakikita ko ngayon sa Forevermore. Nakaka-proud siyang panoorin kasi ang laki na ng in-improve niya. She’s willing to learn ever since, gano’n ang okay kay Liza,” paliwanag ni Kathryn.

Aminado naman ang aktres na si Janella ang pinakamagaling kumanta sa lahat ng kanilang mga ginagawa sa ASAP. “Sa aming apat siya talaga ‘yung ‘Wow! Ang galing niyang kumanta.’ ‘Pag nagre-recording kami, si Janella talaga ‘yung pinaka-singer. We’re trying talaga to do our best,” dagdag pa ni Kathryn.

Samantala, nagkakailangan daw ngayon ang aktres at ang sinasabing kamukha daw nitong si Nadine Lustre. “Meron kaming awkwardness ngayon. Kasi of course there’s the social media, the Twitter, the Instagram, parang napapangunahan ng lahat ng tao bago pa kami mag-meet. Hindi pa nabi-break ‘yung awkwardness na ‘yun kasi hindi pa kami formally nagmi-meet. Open ako sa idea na gusto ko mag-meet kami, makausap ko siya para maalis ang awkwardness. Kasi ayoko ng awkwardness eh,” pagbabahagi ni Kathryn.

Reports from JAMES C. CANTOS

AMINADO

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

IT GIRLS

JANELLA

KASI

KATHRYN

LIZA SOBERANO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with