Susunod na Marimar pinaghahanap pa rin ng GMA!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2015 - 12:00am

Ire-remake ng GMA-7 ang Ma­rimar na siyang naging laun­ching ni Ma­rian Rivera at na­ging simula ng kanyang pagsikat. Ang sabi, may pa-audition ang network sa Kapuso actress na su­sunod kay Marian para guma­nap na Marimar.

A few months ago, lumutang ang pa­ngalan ng isang actress turned beauty queen na siyang magbibida sa remake ng Mari­mar. Kung ganitong may pa-audition ang GMA-7, ibig bang sabihin hindi na ibibigay kay actress turned beauty queen ang project? May naging problema kaya sa negosasyon ng network sa manager nito?

Isa sa narinig naming mag-o-au­dition para magbida sa Mexican no­vela ay ang isang sexy actress at sa ka­seksihan nito at husay umarte, babagay sa kanya ang role.

Anak ni Ciara gusting pahirapan ‘pag nag-aral?!

Ang hirap bigkasin ng pangalan ng anak nina Jojo Oconer at Ciara Sotto na Vincezo Xose, Crixus naman ang magiging palayaw nito. Hindi kaya magreklamo ang bagets sa parents niya ‘pag nagsimula na itong mag-aral dahil ang hirap isulat ang name niya? Tama ba kaming Italian name ito? Parang maiiba ang palayaw ng bagets ‘pag may hindi naka-pronounce ng tama.

May picture na ng baby ni Ciara sa Ins­tagram at ang caption niya ay “I’m so in love and Thank you Jesus for the greatest miracle of life.”

Normal delivery daw ang panganganak ni Ciara sa Medical City at si Crixus ang bagong apo nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa. Isa lang pala ang babaeng apo ng mag-asawa, the rest ay puro lalaki na.

Raymart at Jennylyn ayaw paapekto sa mga naninira ng kanilang ‘relasyon’!

Nakakatuwa ang hindi pabor sa tambalan nina Raymart Santiago at Jennylyn Mercado sa Second Chances dahil pinipilit gawing isyu ang edad ng dalawa. Twelve years ang age gap ng dalawa dahil 41 years old na si Raymart at 29 years old naman si Jennylyn. Pero hindi ito sagabal para magkaroon sila ng chemistry at kiligin ang viewers.

Malaking bagay na wala sa hitsura ni Raymart na turning 42 years old na siya sa July 20 dahil maalaga ito sa sarili. Isa siya sa mga aktor ngayon na may magandang katawan at open rumampa sa Cosmo Bash kung iimbitahan at bibigyan siya ng time na maghanda.

Hindi nagpapaapekto nang husto ang team up nina Raymart at Jennylyn sa mga ayaw sa tambalan ng dalawa dahil mas marami ang may gusto sa kanila.

Bangs ni Jericho tinututulan ng fans

May nagrereklamo sa ayos ng buhok ni Jericho Rosales sa Bridges of Love. Bakit daw parang may bangs ang aktor? Sana sa presscon bukas, maitanong ang tungkol dito. Pero naniniwala kaming may twist sa karakter ni Jericho kaya sa simula ng soap ay iba ang hitsura niya.

Nakalagay sa poster ng Bridges of Love ang ABS-CBN Presents Star Cinema productions at directors nito sina Dado Lumibao at Richard Somes.

Sa May 16, na ang pilot airing ng soap na love triangle sina Jericho, Maja Salvador, at Paulo Avelino.

Balik ABS-CBN at balik-soap si Edu Manzano dito. And in fairness, una ang pangalan niya sa billing at kalinya niya si Carmina Villaroel.

BRIDGES OF LOVE CARMINA VILLAROEL CIARA CIARA SOTTO COSMO BASH ISA JENNYLYN RAYMART SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with