2 newscaster biktima ng mga tsismosong driver
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2015 - 12:00am

Pinag-uusapan ng 2 driver ang kani-kanilang amo na parehong  sikat na newscasters.

Sabi ng 1 driver, ‘‘yung amo kong babae akala mo hindi makabasag pinggan. Tagapagtanggol kuno ng mga taong naaapi. Pero nuknukan ng sama ng ugali. Laging nakasinghal. Wala nang ginawa kundi maninigaw agad.’’

Sumagot naman ang kausap na driver, ‘‘yung amo kong male newscaster ay napakabait naman na malayo diyan sa amo mo. Pu­ring-puri siya ng kanyang mga staff dahil mabait. Kapag breaktime ay hindi ito kumakain kundi kasabay ang kanyang mga staff. Kahit sikat na sikat siya very humble pa rin ang aking boss.’’

Ang bottomline ng kwentong ito ay matutong magmaneho kapag bibili ng kotse kasi mahirap talaga ang may driver na walang ginagawa kundi abangan ang mga pagkakamali ng amo o kaya’y itsitsismis ka nila lalo na kung saan mo lang pinulot ang iyong driver na nage-enjoy sa pakikipagtsismisan sa kapwa driver.

Lj nasa love hotline

Pinag-usapan sa Love Hotline ang buhay pag-ibig ni LJ Reyes na bagama’t matagumpay sa pag-aartista ay malungkot naman ang pinagdaanang buhay. Ang nagpapasaya na lang sa kanya ngayon ay ang anak na si Aki.

Nakapag-move on na ang aktres kaya lang hindi pa siya handang umibig muli.

Nababalutan pa rin ng takot kung muli siyang iibig.

Maganda ang naging payo nina Jean Garcia at Papa Dudut na tinulungan ang aktres para alamin kung handa na ba siyang umibig muli.

Ang payo ng dalawang love expert ay mag-move on at umibig muli. Maging positive thinker kung ikaw ay broken hearted.

AKI DRIVER JEAN GARCIA KAHIT KAPAG LAGING LJ LOVE HOTLINE PAPA DUDUT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with