Attention Luis and Angel, Edu kating-kati na ring maging lolo!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2015 - 12:00am

Matagal nang napapabalita na nagpaplano nang pakasalan ni Luis Manzano ang kasintahang si Angel Locsin. Hinahayaan na lamang daw ni Edu Manzano ang anak na magdesisyon para sa sarili nito pagdating sa ganitong usapan. Hanggang maaari ay hindi na nakikialam si Edu kay Luis dahil nasa tamang edad na ito. “I made a point na the worst thing that I can do is pakialaman ‘yung buhay ng anak ko, 33 (years old) na siya. I think as a parent I should let him decide about his future. ‘Di na natin dapat maimpluwensyahan ang kanyang future,” nakangi­ting pahayag ni Edu.

Wala naman daw problema sa aktor kung sakaling humingi sa kanya ng payo si Luis tungkol sa pag-aasawa. “Kung humingi siya ng guidance, good. Kung hindi better, that means to say na confident na siya sa kanyang sarili. So pagdating kasi sa anak you could only wish the best,” giit ni Edu.

Katulad ni Governor Vilma Santos-Recto ay excited na rin daw si Edu na magkaroon ng apo kina Luis at Angel. “Ako I have no second thoughts about being a lolo. It’s long overdue so if it comes, it comes. Ang isang mapapangako ko lang, I’ll do my best to be a Type na uling mag-showbiz

Kristine ayaw nang mag-drama

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Kristine Hermosa sa pelikula at telebisyon. Nagpahinga sa industriya ang aktres mula nang mapangasawa si Oyo Boy Sotto at magkaroon ng mga anak.

Gusto na raw magbalik ni Kristine ngayon sa pag-aartista. “I want to take it slow, paisa-isa. I really want to but at the same time, I want something different from what I used to do,” bungad ni Kristine. Ayaw na raw gumawa ngayon ng drama ang tema ng aktres. “Buong showbiz life ko, drama na ang ginagawa ko. Now I want something different. It doesn’t have to be comedy, just something light and enlightening to watch. I want to be able to inspire people through what I do. I will return anytime as long as you give me a project that will uplift people’s spirits. I told them I am looking for something that will offer viewers valuable lessons, hindi ‘yung puro drama na lang,” paliwanag ni Kristine.

Isang malaking responsibilidad na raw ang gina­gampanan ngayon ng aktres bilang asawa at ina kaya nagiging maingat na siya sa pagtanggap ng proyekto. “Before my time was my own, kahit kulang ako sa tulog, nakakatulog naman. I only had myself to think of. Ngayon pupuyatin mo ako when I have a family to think about. I need to be a wife and mother, then I have to take care of myself. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin lahat ‘yon,” pagbabahagi ni Kristine. Reports from JAMES C. CANTOS

AKO I ANGEL LOCSIN EDU EDU MANZANO GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO KRISTINE KRISTINE HERMOSA LUIS LUIS MANZANO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with