Paulo pinagtatawanan lang ang isa pang anak
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagtatawanan lang ng kampo ni Paulo Avelino ang balitang bukod kay Aki na anak niya kay LJ Reyes ay may isa pang anak ang aktor.

Hindi raw kapatul-patol ang bagay na ‘yon dahil ni hindi maituturing na issue ‘yon dahil wala namang maibigay na detalye sa sinasabing babaeng anak daw ni Paulo.

Basta ang sabi lang, mas matanda raw kay Aki ang anak na ‘yon ni Paulo.

May idea ang isa sa mga namamahala sa career ni Paulo kung sinu-sino ang mga nagkakalat ng intrigang ‘yon, pero kung magsasalita pa raw sila ay baka ikatuwa lang ng mga taong ‘yon.

Actually, wala namang masyadong naniniwala sa intrigang ‘yon at hindi nga masyadong pinag-uusapan dahil obvious na gawa-gawa lang!

Ruffa at BF na si Jordan isi-share na ang romansa

Ang exclusive pictorial at interview ng mag-sweethearts na sina Ruffa Gutierrez at Jordan Mouyal sa March-issue ng Star Studio magazine.

Matagal din ang naging negosasyon bago natuloy ang exclusive pictorial at interview nina Ruffa at Jordan.

Sa akin idinaan ng editorial staff ng Star Studio ang request kina Ruffa at Jordan, pero hindi lang naman ang actress ang nagdesisyon tungkol doon dahil kinunsulta rin niya ang kanyang boyfriend.

Inayos din nina Ruffa at Jordan ang kanilang schedules at nang magkaroon sila ng availability ay saka lang sila nakapag-pictorial at interview.

 Na hindi nagawa sa pinanggalingan Isabelle puro challenging ang role sa Kapamilya

Magsisimula nang mamayagpag sa ABS-CBN ang dating GMA 7 exclu­sive contract star na si Isabelle Daza.

Malapit na kasing ipalabas ang primetime teleserye na Nathaniel kung saan isa sa mga bida ang anak ni Gloria Diaz at noong isang araw naman ay nag-taping na siya para sa isang heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan ay kasama niya si Snooky Serna.

Umagahan ang MMK taping ni Isabelle, pero wala siyang reklamo at nag-enjoy pa dahil very challenging daw ang role na ibinigay sa kanya.

Alagang-alaga sa Kapamilya network si Isabelle at hindi sila natatakot na bigyan siya ng challenging roles na kabaligtaran sa pinanggalingan niyang TV network.

AKI GLORIA DIAZ ISABELLE DAZA JORDAN MOUYAL KAPAMILYA PAULO RUFFA STAR STUDIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with