Patrick ayaw masyadong idetalye ang kasal
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2015 - 12:00am

Nagkaroon ng thanksgiving presscon ang hit teleseryeng Two Wives na magtatapos in three weeks at pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jason Abalos at Kaye Abad kasama sina Patrick Garcia, Rayver Cruz at Daniel Matsunaga. Inamin dito ni Patrick na pinaghahandaan na nila ng kanyang fiancée na si Nikka Martinez ang kanilang nalalapit na Christian wedding na gaganapin sa Blue Leaf Pavi­lion in Pasay City on March 21. Magi­ging ring-bearer ang panganay na anak ni Patrick na si Alex Jazz sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado habang ang almost two-year-old daughter nina Patrick at Nikki na si Chelsea ay tatayong mini-Bridesmaid.

Hindi gaanong nagbigay ng iba pang detalye si Patrick sa kasal nila ni Nikka.

Rayver at Daniel ini-enjoy ang pagiging loveless

Magkakasamang humarap sa entertainment press sina Erich Gonzales, Jason Abalos, Kaye Abad, Patrick Garcia, Rayver Cruz at Daniel Matsunaga sa Thanksgiving presscon na ipinatawag ng Kapamil­ya Network. Sa anim, ikakasal na on March 21 si Patrick sa fiancée nito. Happily in love naman sa kanilang res­pective partners sina Erich (to her non-showbiz businessman boyfriend), Kaye (Paul Jake Castillo) at Jason (Vickie Rushton) habang nananatiling loveless sina Daniel at Rayver.

Ikinasal na kay Sen. Chiz Escudero ang ex-GF ni Daniel na si Heart Evangelista at si Cristine Reyes naman na ex-GF ni Rayver ay nagsilang ng baby girl sa live-in partner nitong si Ali Khatibi.

Inamin nina Daniel at Rayver na pareho silang masaya para sa kanilang ex-GFs at ang maganda ay kaibigan pa rin ang kanilang turingan.

Samantala, personal na pinabulaanan ni Rayver na “exclusively dating” sila ni Julia Barretto. While he admits na lumalabas sila ni Julia along with other friends, wala umano silang romantic involvement ni Julia sa isa’t isa liban sa kanilang pagiging close na magkaibigan. Hindi rin ikinakaila ni Rayver na gan­­dang-ganda umano siya sa da­laga ni Marjorie Barretto kung kanino close din ang singer-dancer-actor.

Dahil close si Rayver kay Julia at sa pamilya nito, malamang na isa si Rayver sa kabilang sa 18 roses sa debut ni Julia on March 10.

Iñigo last dance daw ni Julia

Speaking of Julia, mukhang nagkaayos na sila ng nakatampuhang ama na si Dennis Padilla kaya hindi kami magtataka kung dadalo mismo ang ko­med­­yante sa debut party ng kanyang panganay sa ex-wife niyang si Marjorie.

Ang isa pang close friend ngayon ni Julia na si Iñigo Pascual ang magiging last dance ng pamangkin ng warring siblings na sina Gretchen at Claudine Barretto.

DANIEL MATSUNAGA ERICH GONZALES JASON ABALOS JULIA KAYE ABAD RAYVER SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with