Pero wa mention ang name: Kris ‘ginamit’ ang love story nila ni Herbert para sa kanyang website
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2015 - 12:00am

SEEN: Ang love story nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang isinulat ni Kris Aquino sa kanyang all about myself website para umingay at pag-usapan ito.

SCENE: Mahaba ang article ni Kris Aquino tungkol sa naunsyami na relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista pero ni minsan, hindi niya binanggit ang pangalan ng lalake na kanyang minahal at pinaluha siya.

SEEN: Dinumog ng Filipino fans si Lee Min Ho sa meet –and- greet nito sa Greenhills Theater Mall noong Martes. Natunton din ng fans ang 5-star hotel na tinutuluyan ng sikat na Korean actor

SEEN: Ang hinala na ‘drawing’ ang press release ni Anjanette Abayari na gagawa siya ng international movie sa Pilipinas.

SCENE: Marami ang na-turn off kay Karen Davila sa tono ng pagtatanong niya kay former Congressman Peping Cojuangco sa live guesting nito sa Bandila noong Martes. “Baka bitter ka lang dahil hindi ka nabigyan ng puwesto sa administrasyon  (ni P-Noy) ang tactless na comment ni Karen kay Cojuangco.

SEEN: Life imprisonment ang hatol ng US court kay Eddie Ray Routh, ang pumatay kay ex US Navy Seal Chris Kyle, ang karakter na ginampanan ni Bradley Cooper sa American Sniper.

SCENE: Hindi nagsisimula sa oras (10:15 p.m.)  ang Extreme Series ni Derek Ramsay kaya hindi na ito nahihintay ng viewers ng kanyang  reality show sa TV5.

AMERICAN SNIPER ANJANETTE ABAYARI BRADLEY COOPER CONGRESSMAN PEPING COJUANGCO DEREK RAMSAY EDDIE RAY ROUTH EXTREME SERIES GREENHILLS THEATER MALL KRIS AQUINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with