_ngayon
^

Angel kinakabahan kay Gov. Vi

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2015 - 12:00am

Mother’s Day offering ng Star Cine­ma ang pelikulang pagsasamahan ng Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos at ni Angel Locsin, kasintahan ng kanyang panganay na anak (kay Edu Manzano) na si Luis Manzano.

Kung excited si Vi na makatraba­ho ang kanyang future manugang, mag­ka­halong kaba at excitement na­­man ang na­darama ni Angel dahil sa kauna-unahang pag­kakataon ay makakatrabaho niya ang kanyang idolo na nagkataon pang ina ng kanyang nobyo.

Alex ayaw pa rin tanggapin na iiwan na ng ate

In denial pa rin ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga na ikakasal na sa taong ito ang kanyang ate Toni at best friend sa nobyo nitong si Direk Paul Soriano.

Tulad ng kanyang ate, napakarami rin ng projects ni Alex sa bakuran ng ABS-CBN. Bukod sa magtatapos na The Voice of the Philippines, nariyan ang Banana Nite, Banana Split, Extra Scoop at ASAP 20.

Malapit na rin mapanood sa ere ang kanyang comedy-fantasy TV series na Inday Bote kung saan kasama niya sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alonzo Muhlach, Aiko Melendez, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Alicia Alonzo, Jeffrey Santos, Bobby Andrews, Carla Humphries, Nan­ding Joseph, at iba pa.

Kung hindi kami nagkakamali, nakatakda na itong umere on March 16.

Erich sobra na ang kamalditahan

Malapit na rin magtapos sa ere ang top-rating at tinututukang Two Wives na tinatampukan nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad kung saan tampok din dito sina Rayver Cruz, Patrick Garcia, Melai Cantiveros, Da­niel Matsunaga at iba pa.

Habang nalalapit na ang pagtatapos ng local adaptation ng hit Korea­novela ay lalo namang na­giging intense ang takbo ng istorya nina Janine (Erich), Victor (Jason), at Yvonne (Kaye).

Effective ang pagiging “bad” ni Erich sa Two Wives kaya marami ang nagagalit sa kanya.

Come to think of it, Salve A., gustung-gusto talaga ng mga televiewers ang may third party o other woman ang isang teleserye tulad na lamang sa The Legal Wife nina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Maja Salvador at maging ang Dalawang Mrs. Real nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe na talagang tinutukan at sinubaybayan ng mga televiewers.

Kakakasal lang, Dingdong at Marian ‘hiwalay’ agad!

Magkakaroon ng magkahiwalay na teleserye ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na magkahiwalay na ididirek nina Maryo J. de los Reyes at Dominic Zapata.

Since balik-trabaho ang bagong couple, tiyak na postponed muna ang kanilang pagkakaroon ng baby.

AIKO MELENDEZ ALEX ALEX GONZAGA ALICIA ALONZO ANGEL LOCSIN DINGDONG DANTES ERICH SHY TWO WIVES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with