^

PSN Showbiz

Geoff mas gustong ‘di magtrabaho kesa makasama si Carla

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

You’d think na susunggaban agad ni Geoff Eigenmann ang tsansa na makasamang muli sa isang proyekto ang ex niyang si Carla Abellana. Hindi naman kasi kaila sa marami na siya ang lubos na nasaktan sa hiwalayan nila ng aktor. Pero hindi, ayaw niyang makasama sa isang trabaho si Carla!

May trabaho naman siya na mapagbubuhusan ng panahon at pag-iisip. Hindi naman siya bano sa pag-arte para ‘di mabigyan ng mga roles tulad ng ipi­­namamalas niya sa Kailan Tama ang Mali kung saan pilit inagaw sa kanya ni Dion Ignacio ang asa­wa niyang si Max Collins.

Kris at Boy sasaluhin ang gastos ni Nora para gumaling

Wala nang dahilan si Nora Aunor para hindi balikan ang kanyang pagkanta ngayong inaako na nina Boy Abunda at Kris Aquino ang bayarin sa gagawing operasyon sa kanyang lalamunan sa  U.S. Hindi nga makapaniwala ang Su­perstar na inakalang binibiro lamang siya ng dalawa, until seryosohin siya ni Kris at sabihin na totoo ang sinasabi nila. Na ito ang gagastos ng pamasahe niya at si Boy naman ang bahala sa kanyang operasyon. Gagawin nila ito para lamang mabalikan niya ang traba­ho kung saan ay una siyang nakilala.

Tama lang na tanggapin ni Nora ang tu­long at huwag nang pairalin ang kanyang pride since wala namang masamang motibo ang dalawa sa pagtulong sa kanya. Gusto lang nilang mabalikan niya ang pagkanta para makumpleto na ang pagiging artista niya.

James at Nadine mas lamang sa ibang loveteam

May malaking kalamangan ang tambalang Ja­mes Reid at Nadine Lustre sa mga kalaban nilang loveteams. Napakabilis ng paglago ng kanilang fans and following at bukod sa nakakaarte silang dalawa ay marunong pa rin silang kumanta. ‘Di lang pagpapa-cute ang ginagawa nila kapag humaharap sila sa tao, talagang napapasaya nila sila sa pamamagitan ng pagkanta ng live.  Nominated ang dalawa sa MYX Music Awards para sa kanilang album. Up sila against Yeng Constantino, Gloc 9, at Sarah Geronimo. Habang abala ang Kathniel sa promos­yon ng kanilang post-Valentine movie na Crazy Beau­tiful You, nag­hahanda na rin ang JaDine sa ka­nilang first ever teleserye, ang On the Wings of Love.

Celia Rodriguez at Maryo delos Reyes may bigating recognation sa Star Awards

Season na naman ng Star Awards for Movies. Magaganap ang awarding nito sa March 8 sa The Theater ng Solaire Resort and Casino. Ika-31st na ito ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na magbigay parangal sa mga taga-pelikula. Si Celia Rodriguez ang napili para tumanggap ng Nora Aunor Lifetime Achievement Award; si Maryo J. delos Reyes naman ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.

Nominado bilang Movie of the Year ang Trophy Wife, The Trial, The Gifted, Starting Over Again, Bonifacio, Ang Unang Pa­­ngulo, English Only, Please, at ang mga direktor ng mga nasabing pelikula na sina Andoy Ranay, Chito Roño, Chris Martinez, Olivia Lamasan, Enzo Williams, at Dan Villegas.

 

ANDOY RANAY

ANG UNANG PA

BOY ABUNDA

CARLA ABELLANA

CELIA RODRIGUEZ

CHITO RO

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with