Naghintay pa ng siyam na oras para bigyan ng rosas Nora umamin na nabaliw kay Vilma!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2015 - 12:00am

Noong Linggo ay inamin ni Nora Aunor sa programang The Buzz na nagkaroon siya ng crush noong araw kay Vilma Santos.

Matatandaang nagkasama pa sa pelikulang T-Bird at Ako ang Superstar at Star For All Seasons mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas. “Hindi ko naman ikinahihiya ‘yun, totoo ‘yun. Mula kasi no’ng bata ako, idol ko talaga si mare (Vilma). Talagang fan ako noon. Limang beses ko kung panoorin ang pelikula niya. ‘Yung Ging, Trudis Liit. Talagang tumatakas ako sa bahay noon. Crush ko,”  pagtatapat ni Ate Guy.

Agad daw binigyan ng aktres si Ate Vi ng mga bulaklak noong personal na nagkakilala ang dalawa. “Nakatira siya sa Hillton noong araw, lukaret ako eh. Bumili ako ng rosas tapos 7 o’clock nandoon na ako sa lobby ng Hillton. Wala pa si mare, dumating siya 4 o’clock. From seven hanggang four naghintay ako talaga para lang maibigay ‘yung rosas. Pinaakyat naman ako, pero walang nangyari, umuwi lang ako,” natatawang kuwento pa ni Ate Guy.  

Richard hindi pa nakikilala ng personal si Juday

Masayang-masaya si Richard Yap dahil malapit nang simulan ang bagong teleserye nila ni Judy Ann Santos. “We will be starting our taping by March 18 more or less for a new soap with Miss Judy Ann Santos. Naikwento na sa akin ang story. It’s very interesting, it’s something very different from all the teleseryes na napapanood na,” bungad ni Richard.

Hindi pa magkakilala nang personal ang aktor at si Judy Ann kaya naman excited na rin si Richard na makatrabaho ang Teleserye Queen. “We haven’t met actually. Nakilala ko na si Ryan (Agoncillo), nagkita na kami before pero si Ms. Judy Ann hindi pa. I’m looking forward na makatrabaho siya. She is the Teleserye Queen so I’m hoping to learn new things from her. I’m very excited to work on this project kasi maganda talaga ang story nito. It has a little bit of everything,” pagbabahagi ni Richard.

Tumatak ang karakter ng aktor bilang si Ser Chief sa Be Careful With My Heart na nagtapos ilang buwan na ang nakalilipas

 Ayon kay Richard ay ibang-iba ang kanyang role sa bagong serye. “Malayo kay Ser Chief ang role. May kaunting similarity, kayo na bahala mag-discover kapag napanood n’yo. Pero sa ngayon I can’t really tell the details,” pagtatapos ng aktor.

Dalawang pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Richard bago magtapos ang taong 2015.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO ATE GUY ATE VI BE CAREFUL WITH MY HEART HILLTON JUDY ANN JUDY ANN SANTOS SER CHIEF TELESERYE QUEEN
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with