Ogie hindi makapaniwala sa rami ng tao sa MuSIKATin
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Very successful ang MuSIKATin concert noong Biyernes ng gabi sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria, Bulacan.

Kahapon ay nakausap ko si Ogie Alcasid at sobrang nagpapasalamat siya sa malaking tagumpay ng kanilang concert na tribute nila sa OPM (Original Pilipino Music).

“Thank you talaga. Still can’t believe the expe­rience, Jun. Sobra akong overwhelmed. Ang saya at ang daming tao kagabi sa MuSIKATin,” pahayag ni Ogie.

Pinasasalamatan din ni Ogie ang lahat ng mga nag-guest sa nasabing concert at ang lahat ng mga nagtrabaho para maging successful ‘yon.

“Siyempre, I’m very thankful sa lahat ng mga nanood sa Philippine Arena,” sabi pa ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Nagpunta sa Philippine Arena si Regine kasama ang anak nilang si Nate para suportahan si Ogie.

Si Nate naman, parang hindi kababakasan na nagkaroon ng sakit a week ago dahil panay na ang laro niya sa backstage.

Dahil sa tagumpay ng MuSIKATin, marami pang mga proyekto na lalong magsusulong sa OPM (Ori­ginal Pilipino Music) ang binabalak ni Ogie na presidente rin ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit).

Pops excited na sa Anniversary ng ASAP

Isa si Pops Fernandez sa mga nag-rehearse kahapon para sa big event ngayong araw ng ASAP 20 sa MOA Arena.

Kasama si Pops sa selebrasyon ng 20th anni­versray ng ASAP dahil isa siya sa mga original ar­tists ng nasabing Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Ayon kay Pops, sa rehearsal pa lang kahapon, sobrang saya na.

Ruffa nakapagpa-reserve na ng hotel para sa laban nina Pacman at Mayweather

Maraming celebrities ang tuwang-tuwa sa balitang tuloy na tuloy na ang boxing fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Nang makausap ko kahapon si Ruffa Gutierrez, sinabi niyang tama ang desisyon niya na more than a month ago ay mag-reserve na ng hotel rooms para sa kanilang pamilya sa tinaguriang “entertainment capital of the world”.

Nang una kasing mapabalita na nagne-negotiate na sina Pacquiao at Mayweather, nagpa-reserve na kaagad si Ruffa ng hotel rooms sa Las Vegas at kahapon nga, sinabi niyang tama ang naging desis­yon niya dahil nabalitaan niya na karamihan sa hotel rooms sa Las Vegas para sa nasabing historical boxing fight ay umaabot na ng $1,000.

Ang isa pa sa gustong manood ng nasabing boxing fight ay ang TV host/PSN columnist na si Manay Lolit Solis.

Hindi raw palalampasin ni Manay Lolit ang nasabing bakbakan nina Pacquiao at Mayweather.

FLOYD MAYWEATHER LAS VEGAS MANAY LOLIT MANAY LOLIT SOLIS MANNY PACQUIAO MAYWEATHER NANG OGIE PHILIPPINE ARENA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with