Makakapareha ni Dingdong sa bagong serye, hinahanap pa rin
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2015 - 12:00am

Nagsimula nang mag-taping noong February 18 si Dingdong Dantes para sa bagong soap niya sa GMA-7 na Pari ‘Koy sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

Sa nakita naming picture ni Dingdong kasama si Sheena Halili, naka-habito siya.

Excited si Dingdong sa new project dahil first time niyang gaganap na pari. Ang descrption nito sa karakter niyang si Father Kokoy ay “Lumaki sa isang magandang pamilya na pinili ang landas nang pagsisilbi sa simbahan. Na-assign siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Bilang mga Pilipino, we have our ways of practicing our faith kaya malapit talaga sa puso ko ang role ko rito,” pahayag ni Dingdong.

Sa March 9, ang pilot ng Pari ‘Koy na ang dinig namin, may makakapareha pa rin si Dingdong na hinahanap pa ng network.

Ekstra ni Vilma finalist sa New York Filmfest

Masaya ang producers ng Ekstra, ang pelikulang pinagbidahan ni Gov. Vilma Santos sa direction ni Jeffrey Jeturian dahil finalist ang movie sa 2015 New York Festivals International Television and Film Awards.

Ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang producer ng Ekstra at si Ferdinand Lapuz. Sa April 14, sa Las Vegas gagawin ang 2015 Television and Film Awards Ceremony, hindi pa namin natatanong kung dadalo ang mga producer at si Gov. Vi sa awards night. The Bit Player  ang English title ng movie.

Soap ni Marian sa april na eere

Mauunang mapapanood ang Pari ‘Koy  ni Dingdong Dantes kesa sa bagong soap ni Marian Rivera na tila ang title ay The Richman’s Daughter dahil sa April pa raw ang airing nito. Pero maaga yatang sisimulan ang taping ni director Dominic Zapata at halos kompleto na ang cast.

Tama kami na kasama sa cast sina Luis Alandy at TJ Trinidad, pero si Luis lang ang makakapareha ni Marian dahil ang role ni TJ ay kuya ni Jade ang pangalan ni Marian sa soap. Si Glydel Mercado ang gaganap na ina ni Marian at kasama rin sina Jonee Gamboa, Al Tantay, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Mike Tan, at Ms. Gloria Romero.

Umaasa ang nasa likod ng soap na tatanggapin ng viewers ang The Richman’s Daughter gaya nang pagtanggap sa My Husband’s Lover. Sinisiguro nilang hindi mandidiri ang viewers sa series na tungkol sa buhay at pag-ibig ng tomboy. Light ang treatment sa series, masaya, may romansa.

Kung ang MHL ay tinawag na “beki serye” ano kaya ang puwedeng itawag sa The Richman’s Daughter? Si Suzette Doctolero ang may concept at headwirter nito.

Lovi girl crush si Iza

Ang daming pictures ni Lovi Poe sa Manila reception ng wedding nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Pakuha ito nang pakuha ng picture sa mga bisita at sa picture nila ni Iza Calzado, inamin ni Lovi na kinilig siya dahil kasama niya ang favorite face in the Philippine showbiz industry. Si Iza yata ang girl crush ni Lovi.

Samantala, isa si Lovi sa performer sa MuSIKATin concert na gagawin, 8:00 p.m. tonight sa Philippine Arena. Classic songs ni Ogie Alcasid daw ang kakantahin ni Lovi at ni Solenn Heussaff.

AL TANTAY BIT PLAYER CHIZ ESCUDERO DINGDONG DANTES DOMINIC ZAPATA EKSTRA LOVI RICHMAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with