_ngayon
^

PSN Showbiz

Heart at Sen. Chiz inimbita pati janitor ng Startalk!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napilitan ang Startalk staff na magbihis nang pormal dahil invited sila sa wedding reception nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa The Blue Leaf Filipinas noong Miyerkules na nagkataon na bisperas ng Chinese New Year.

Touched na touched ang buong Startalk staff dahil lahat sila eh nakatanggap ng imbitasyon mula kina Heart at Papa Chiz. Pati ang utility person ng Startalk na pinagawan ni Heart ng pustiso, imbitado.

Kinunan din ng Startalk ang mga eksena sa wedding reception dahil ipalalabas ito bukas sa aming show. Hindi naman masyadong napuyat ang staff dahil maagang natapos ang wedding party na dinaluhan ng mga personalidad mula sa showbiz at pulitika.

Dumalo sa wedding reception ang mga kaibigan at kamag-anak nina Heart at Papa Chiz na hindi nakarating o invited sa kanilang Balesin wedding. 

Malaki-laki rin ang nagastos ng newly weds dahil bale tatlo ang wedding party nila, isa sa Balesin, ang Manila wedding reception, at ang wedding party bukas sa Sorsogon na hindi puwedeng maitsapwera dahil malaking bahagi sila sa success ni Papa Chiz sa pulitika.

Hindi ako pumunta sa wedding reception pero nabigyan ako ng wedding souvenir dahil ikinuha ako ni Mama Salve. Thank you Mama Salve!

Shang sa Cebu dapat i-monitor ang mga empleyado

May bad experience ako kay Nicole Marie Tecson, ang reservation agent ng Shangri-La’s Mactan Resort & Spa sa Cebu City.

Naging very discourt­eous sa akin si Tecson na isa na yata sa incompetent employee ng Shangri-La Mactan na nakilala ko.

Saan kayo nakakita ng reservation agent na kung hindi ko pa tatawagan, hindi aasikasuhin ang reservation ko para sa pamangkin ko na magbabakasyon sa Shangri-La Mactan sa susunod na buwan?

Naloka talaga ako dahil fully paid na ako para sa kuwarto na ipinareserba ko pero ni ha o ni ho, wala na akong narinig mula kay Tecson.

At kung hindi pa ako tumawag via long distance sa Cebu, hindi ko malalaman ang status ng reservation ko.

Noong February 10, may tao ako na pinakisu­yuan na i-email kay Tecson ang kopya ng deposit slip na katibayan na fully-paid na ako sa room re­servation ko.

Eksaktong 3:24 p.m. nang ipadala ang email pero walang immediate response si Tecson.

Kung hindi pa tumawag (bandang 6:30 p.m.) sa reservation office ng Shangri-La Mactan ang tao na nag-email kay Tecson, hindi namin malalaman na natanggap na nila ang email.

Ang sabi ng nakasagot sa telepono na Marie Flor Justiniane, umalis na ng office si Tecson ng 6 p.m.

You mean to tell me, hindi nakita at nasagot ni Tecson ang email between 3:24 p.m. at 6 p.m.? Kinabukasan pa siya sumagot sa e-mail dahil sinabi siguro sa kanya ni Marie na may pinatawag ako na tao para alamin ang status ng reservation ko.

Nang magpa-reserve ako ng kuwarto three weeks ago, tatawagan dapat ako ni Tecson pero wala akong narinig mula sa kanya. Ako pa ang nag-effort na ma-contact siya, eh ako ang customer at matagal nang member ng Shangri-La Hotel.

Parang hindi alam ni Tecson ang kanyang trabaho bilang reservation agent. Paano madaragdagan ang mga guest ng Shangri-La Mactan kung hindi sila inaasikaso ng mga empleyado? Alam ba ng management ang trato ng kanilang mga empleyado sa mga nagpapareserba ng mga kuwarto? Ilan pa kaya ang mga katulad ko na nakatikim ng inefficiency ni Tecson?

Sa totoo lang, marami ang nagkukumbinsi sa akin na i-try ko ang Movenpick pero hindi ko pinakinggan ang kanilang mga suggestion dahil loyalist ako ng Shangri-La Mactan pero dahil sa nangyari, nag-iisip na ako.

Annie Brazil nagsalita sa pralala ng anak na si Ronnel Wolfe

May exclusive interview si Papa Ricky Lo sa veteran jazz singer na si Annie Brazil na nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa pralala ng kanyang anak na si Ronnel Wolfe na hindi ito nakakatanggap ng dalaw mula sa kanyang pamilya.

Mapapanood bukas sa Startalk ang exclusive interview ni Papa Ricky sa namimighati na ina nina Ronnel at Richard Merk.

Itinanggi ni Mama Annie ang mga pahayag ni Ronnel sa Startalk noong nakaraang Sabado. Panoorin ninyo bukas ang Startalk para malaman ninyo ang katotohanan at kung sino ang dapat paniwalaan, ang ina na nagdurusa dahil sa sinapit ng kanyang anak o si Ronnel na dalawang taon nang nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa droga?

AKO DAHIL PAPA CHIZ SHANGRI-LA MACTAN STARTALK TECSON WEDDING
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with