_ngayon
^

PSN Showbiz

Coco at Julia ‘nagkabalikan’

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginanap ang trade launch ng ABS-CBN noong isang gabi.

Kasama sa mga show na ipinakilala sa advertisers ang episode nina Coco Martin at Julia Montes sa Wansapanataym.

Matagal na rin ang huling pagtatambal nina Coco at Julia sa Walang Hanggan at noon pa nagre-request ang kanilang fans na muli silang magsama sa isang serye ng Kapamilya network.

Alonzo alaga sa Kapamilya

Kasama rin sa Wansapanataym episode nina Coco at Julia ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

Tatlo agad ang shows ni Alonzo sa Dos, ang Goin’ Bulilit, Inday Bote at Wansapanataym bukod pa sa launching movie na gagawin niya sa Viva Films matapos niyang mag-sign-up ng movie deal.

Ayon sa manager ni Alonzo na si Aster Amoyo, may endorsement deal na rin daw ang bata.

Sabi, iniiwasan ng ama ni Alonzo na si Niño Muhlach na maakusahang stage father, pero determinado raw ang dating child wonder na pasikatin nang husto ang anak.

‘Relasyon’ nina Erik at Angeline nagamit sa concert nila sa Hawaii

Ang kuwento ng former singer at ngayon ay show promoter na si Lerma dela Cruz sa huge success ng two shows nina Erik Santos at Angeline Quinto sa Hawaii.

Sold out daw ang tickets sa Honolulu show nina Erik at Angeline at halos puno ang Kauai.

Noong October 2014 pa sana ang shows na ‘yon, pero nakansela dahil sa hurricane sa Honolulu at ginawa na lang pre-Valentine show.

Kapwa magaling na singers sina Erik at Angeline kaya dinumog daw sila sa Hawaii.

Nakatulong kaya ang pagkaka-link nila sa isa’t isa kaya successful ang shows nila sa nasabing lugar?

Ayoko nang magkomento. Basta ang masasabi ko, parehong mabait sa akin sina Erik at Angeline!

Ryan Cayabyab ibinuko kung gaano ka-workaholic si Ogie

Ang muntikang pagmi-migrate noon sa Amerika ng musical director na si Mr. Ryan Cayabyab.

Sa presscon ng MuSIKATin concert ni Ogie Alcasid ay ayaw nang pag-usapan ni Mr. C ang tungkol doon.

Basta thankful daw siya na sa kabila ng napakaraming musical directors ngayon ay marami pa rin siyang trabaho.

Kaliwa’t kanan actually ang concerts ni Mr. C. Katatapos pa lang niya ng Ultimate at bukas, may MuSIKATin na kaagad siya sa Philippine Arena.

Last week nga, lagare siya sa rehearsals ng Ultimate at MuSIKATin.

Sabi nga pala ni Mr. C, ang sipag mag-rehearse ni Ogie. Halos araw-araw daw kung mag-rehearse sila. Minsan ay kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at minsan naman ay silang dalawa lang.

May mga pagkakataon na may piano rehearsal sila ni Ogie sa bahay ng singer/songwriter.

ALONZO ALONZO MUHLACH ANGELINE QUINTO ASTER AMOYO COCO MARTIN ERIK ERIK SANTOS MR. C OGIE WANSAPANATAYM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with