^

PSN Showbiz

May pumigil lang?! Tatay ni Heart gustung-gusto sanang maghatid sa altar! Chiz binilinan ng ama ni Heart

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasabay ng Ash Wednesday, February 18, ang Manila reception ng kasalang Chiz Escudero and Heart Evangelista. Gaganapin ang reception sa Blue Leaf Filipinas, Belle Avenue, Aseana City, bukas ng gabi.

The other day ginanap ang kasalan sa Balesin Island na iilang malalapit lang sa kanila ang sumaksi at ang mga kasama sa entourage.

Baka naman sa reception na lang dumalo ang mga magulang ni Heart na talagang natiis na hindi siputin ang kasal ng kanilang anak?

Baka nalayuan sa Balesin na kailangan pang sumakay ng plane bago mara­ting ang isla? Hahaha. Just kidding.

Anyway, wala man ang parents ng ngayon ay si Mrs. Escudero sa kasalan, nagpadala naman ng mensahe ang kanyang ama sa reception sa Balesin na nagpaiyak kay Mrs. Escudero. “TO HEART: ISA SA PINAKAMASAKIT PARA SA ISANG AMA AY MAWALA ANG ANAK NA BABAE SA KANYANG PODER. MULA NANG PINANGANAK KA, IKAW AT ANG MGA KAPATID MO ANG BUHAY NAMIN.

MARAMI KAMING SINAKRIPISYO AT ANG TANGING HANGAD LANG NAMIN (AY) MABIGYAN LANG KAYO NG MAGANDANG KINABUKASAN AT BUONG PAMILYA.

THIS IS IT. YOU ARE ABOUT TO ENTER A NEW CHAPTER IN YOUR LIFE.
YOUR MOM AND I TAUGHT YOU THE PROPER VALUES IN LIFE. AND YOU ARE OLD ENOUGH TO KNOW WHAT’S RIGHT OR WRONG. MY ONLY WISH IS TO SEE BOTH OF YOU HAPPY.

ALAM MO ANAK, GUSTONG GUSTO KITANG IHATID SA ALTAR.
SINO BA NAMAN ANG AMA NA AYAW MAKITA ANG KANYANG ANAK SA PINAKA-IMPORTANTENG ARAW NG BUHAY NIYA. BUT A LOT OF THINGS HAS HAPPENED THAT HINDER US FROM GOING.

SANA CHIZ, MAHALIN MO NANG BUONG BUO ANG ANAK NAMIN.
ACCEPT EVERYTHING ABOUT HER.

TAKE CARE OF HER AND LOVE HER UNCONDITIONALLY. JUST LIKE HER MOM AND I LOVED HER UNCONDITIONALLY.

THIS IS MY PROMISE -- WHEN THE DAY COMES THAT I SEE BOTH OF YOU TRULY HAPPY, WHEN I SEE CHIZ LO­VING YOU THE WAY YOU DESERVE TO BE LOVED, I WILL COME KNOCKING AT YOUR DOOR.

I MAY NOT BE THERE RIGHT NOW BUT I AM THINKING OF YOU HEART.

I LOVE YOU,

DAD.”

Nanatili naman tahimik ang nanay ng aktres na si Mrs. Cecille Ongpauco.

Naiyak din daw si Heart habang papunta sa altar habang papalapit sa naghihintay niyang asawa na ngayon.

Ayon sa report ng GMA7.com mas pinili talaga ni Heart na mag-solo sa paglakad sa altar kesa magpahatid sa mga kapatid. Katuwiran daw ng actress walang makakapalit sa papel ng kanyang ama.

“Siyempre, sad ako. Pero para sa akin, big moment na din siguro na I’ll walk alone. Kasi yung mga kapatid ko, tinanong nila: Do you want us to walk you? But I said nobody can replace my dad. My dad is my dad,” sabi ni Heart.

Ang damit na gawa ni Monique Lhuillier ang susuutin ni Heart sa Manila reception bukas.

Monique Wilson mas aktibo na sa pagiging aktibista

Mas kilala na ngayong ‘aktibista’ si Monique Wilson kesa sa kanyang pagiging singer at stage actress.

Si Monique na ang Global Director ng global movement na One Billion Rising, isang grupo na nakikipaglaban sa karapatan ng mga kababaihan.

Last Valentine’s Day habang nakikipag-date ang lahat ay isa si Monique sa nanguna sa ginanap na V-Day march kung saan nagkaroon ng malaking event ang One Billion Rising  kasama ang ilan pang grupo tulad ng Gabriella sa Bonifacio Shrine na nagsilbing kick off sa International Women’s Day sa March 8.

Nag-umpisa ang pagiging aktibo niya sa One Billion Rising noong nakasama siya sa stage play na Vagina Monologues.

Dahil sa bagong posisyon mas malaki na ang resposibilidad ni Monique as in more than 10,000 mails ang natatanggap niya everyday na may kinalaman sa kanyang responsibility sa OBR.

“They send me their photos, videos and what they have been doing sa kanilang mga risings. They make shirts and posters as well.

“Others naman e-mail me asking for guidance on how to start their rising. It really has become a global community,” sabi ni Monique.

Two years ago nang umamin si Monique ng kanyang tunay na gender – lesbian.                                                                   

ASEANA CITY

ASH WEDNESDAY

BALESIN

HEART

MONIQUE

MONIQUE WILSON

MRS. ESCUDERO

ONE BILLION RISING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with