Ayaw din magpadalaw Cristine inilihim ang panganganak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2015 - 12:00am

PIK: Malaki ang pasasalamat ni Kylie Padilla sa GMA-7 dahil tinuluy-tuloy raw siya sa More Than Words hanggang sa matapos ito.

Akala raw niya ay guest lang siya, pero maganda ang feedback sa pagpasok niya sa kuwento kaya hanggan sa ending na raw siya kasama.

Malapit na rin matapos ang More Than Words, kaya hindi pa alam ni Kylie kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA-7.

Balak daw sana niyang mag-travel nang mag-travel para may time siya sa kanyang sarili. Gusto rin niyang ituloy ang pagpipinta na isa sa pinagkakaabalahan niya ngayon.

PAK: Nagsimula nang mag-ikot si Kuya Germs sa labas at ang laki na ng improvement sa kanyang kalusugan.

Medyo hirap pa siyang maglakad, pero nakikitang magaling na siya at gustung-gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Nakabantay lang ang kanyang anak na si Federico Moreno at marami itong ipinagbabawal.

Nasa radio na si Kuya Germs sa GMA-7 kahapon para dumalaw, pero pinagbabawalan ni Federico na ma-interview ang kanyang ama.

Ang alam namin, magsu-surprise rin si Kuya Germs sa Valentine concert ni Michael Pangilinan sa Teatrino kagabi, pero mukhang ayaw itong payagan ni Federico.

BOOM: Nanganak na pala si Cristine Reyes nung Linggo pa pero hindi na lang nila ipinalabas sa social media.

Premature ang panganganak niya na mabuti at nasa ika-7th month lang niya ito.

Mas maselan daw kasi kung umabot pa ng 8 months, kaya mabuti na rin daw na nailuwal na ito ni Cristine sa ika-7th month niya.

Wala pa kaming nakuhang detalye, pero baby girl nga raw ang isinilang ni Cristine, at nasa incubator daw muna ang baby.

Ang pagkakaalam namin, kahapon na lumabas ng hospital si Cristine, pero ayaw daw muna nitong magpadalaw.

BALAK CRISTINE CRISTINE REYES FEDERICO FEDERICO MORENO KUYA GERMS KYLIE PADILLA MICHAEL PANGILINAN MORE THAN WORDS PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with