_ngayon
^

Angelica nadulas na ‘inagaw’ si John Lloyd kay Shaina

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2015 - 12:00am

SEEN: Nalungkot si Robin Padilla nang bumalik sa Australia noong Linggo ang anak na si Ali. Best friend ang trato ni Robin sa kanyang nag-iisang anak na lalaki.

SCENE: Blockbuster ang unang araw ng senate inquiry tungkol sa Mamasapano tragedy dahil tinutukan ang live telecast nito sa telebisyon.

SEEN: Absent si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo dahil dumalo siya sa private birthday celebration ni P-Noy. Kumpleto ang Aquino siblings sa 55th birthday celebration ng embattled president ng bansa. 

SCENE: Ang All About Me episode kahapon ng KrisTV nang magsimba si Kris Aquino sa Shrine of Our Lady of Manaoag.

SEEN: Ang pahiwatig ni Angelica Panganiban na siya ang ugat ng break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa guesting nila ni John Prats sa Gandang Gabi Vice noong Linggo. 

SCENE: Muntik nang magkaroon ng lamat ang friendship nina Angelica Panganiban at John Prats nang maging boyfriend niya si John Lloyd Cruz dahil ito ang dahilan ng break-up nina Shaina Magdayao at John Prats.

SEEN: Ang Filipino fashion designer na si Albert Andrada ang gumawa ng white gown na ginamit ni Paris Hilton sa 2015 Grammy Awards.

SCENE: Hindi bago ang Albert Andrada gown ni Paris Hilton dahil katulad din ito ng gown na ginamit noon ni Iza Calzado sa isang event.

 

ALBERT ANDRADA ANGELICA PANGANIBAN JOHN LLOYD CRUZ JOHN PRATS KRIS AQUINO LINGGO PARIS HILTON SHAINA MAGDAYAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with