^

Dahil sa anak, Fabio ayaw nang magpa-sexy

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2015 - 12:00am

Magkaibigan sina Denisse Oca at ang Brazi­lian-Japanese model-actor na si Fabio Ide lalupa’t meron silang isang anak na si Danielle Mikayla na mahal na mahal ng ama.

Noong isang taon ay nagkaroon ng iringan sa pagitan ng kampo ni Denisse at kasintahan ni Fabio na si Michelle Pamintuan matapos kumalat sa social media ang dedication photos ni baby Da­nielle Mikayla noong September 28, 2014. Hindi ito nagustuhan ni Michelle kaya nagkasagutan sila sa social media ng kampo ni Denisse, bagay na hindi nagustuhan ni Fabio.

Mahal na mahal ni Fabio ang kanyang anak at hindi niya hahayaan ang kanyang kasintahang si Michelle na masira ang kanyang relasyon sa pamilya ng kanyang daughter. Na-realize marahil ito ni Michelle kaya na­nahimik siya.

Aminado si Fabio na magmula nang siya’y magkaroon ng anak ay nag-iba na umano ang kanyang priority sa buhay.

Hindi man ganoon ka-stable ang income ni Fabio bilang model-actor, he’s glad na nag-invest siya sa iba’t ibang negosyo.

Magmula rin ng maging isang ama ni Fabio ay ayaw na niyang magpa-sexy.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon si Fabio sa kanilang bansa sa Brazil to visit his family na tatlong taon niyang hindi nakita at nakasama.

Vice Ganda pinalakas ang loob ni Jam

Pinasaya ni Vice Ganda ang cancer patient at YouTube sensation na si Jam Sebastian na kanyang dinalaw last Saturday. Pinost ng kasintahan ni Jam na si Michelle Laggayu ang larawan nina Jam at Vice Ganda at kitang-kita umano sa mga ngiti ni Jam ang kaligayahan sa pagdalaw ng top singer-comedian-TV host.

Dahil nahihirapan na si Jam sa kanyang kalagayan, hinihiling na nito sa kanyang pamilya ang mercy killing, bagay na hindi naman maatim ng kanyang mga mahal sa buhay.

Ipinadama ni Vice Ganda kay Jam na patuloy na magdasal at huwag mawalan ng pag-asa.

Pamangkin ni Niño pinasok na rin ang showbiz

Nasa ikatlong henerasyon na ng mga Muhlach ang bagong child star na si Alonzo Muhlach, bunsong anak ng dating “child wonder” na si Niño Muhlach.

Just when nagsisimula nang gumawa ng pangalan si Alonzo ay heto’t papasok na rin sa showbiz ang three-year-old daughter ng mag-asawang Albert at Nikki Muhlach na si Amalia Margarita Dominique Muhlach o Dominique Muhlach na una naming namataan sa 5th Baby Grand Fair ng Baby Company sa SM Megatrade Hall in SM Megamall last January 31.

Si Albert ay nakababatang kapatid nina Arlene at Aga Muhlach.

Kung cute si Alonzo Muhlach who is turning 5 on February 19, super-cute din si Dominique na apo sa pamangkin ng movie icon na si Amalia Fuentes kung kanino isinunod ang pangalan ng bata.

Sina Alonzo at Dominique ay nagkasama sa fashion show for kids ng Baby Company. 

 

AGA MUHLACH ALONZO MUHLACH BABY COMPANY FABIO KANYANG MICHELLE MUHLACH VICE GANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with