^

‘Di naman pino-promote Hunk actor panay ang panghaharbat ng healthy drinks and supplement

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2015 - 12:00am

PIK: Mamayang hapon pagkatapos ng Yagit magsisimula ang bagong drama series ng GMA-7 na Kailan Ba Tama ang Mali na bale pagbabalik ni Empress Shuck sa Kapuso network.

Matagal na silang nagti-taping, at ang latest na narinig namin balak daw ligawan ni Dion Ignacio si Empress.

Na-impress daw si Dion sa ganda ni Empress kaya nagka-crush na ito.

Hindi lang ito nabanggit ni Dion at baka isiping gumigimik lang para sa promo nito. Pero mukhang nahuhulog na ang loob ng binata kay Empress.

PAK: Na-turn off ang co-star ni hunky actor sa ginagawang paghingi ng healthy drinks at supplements na binibenta ni co-star at ng boyfriend nito.

Ang tanging request lang naman ni co-star ay i-promote ni hunk actor sa kanyang Instagram account ang kanyang mga ibinebenta.

Kahit wala siyang ginagawa, hingi pa rin ng hingi na nadoble pa nga dahil inihihingi rin ang kapatid nito.

Kaya parang ayaw nang bigyan ni co-star si hunk actor dahil hindi naman nito sinusunod ang pangakong i-promote ang kanyang produkto sa IG. Ang lagay eh, nakikilibre lang siya.

BOOM: Marami na raw ang nagkakainteres na isapelikula ang kuwento ng 44 Fallen Heroes natin na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Isang action star ang interesado pero parang type lang niya i-produce at iba ang magbibida. Pero ang latest na nakita namin, pumunta mismo sa lugar ng pinangyarihan si Cesar Montano.

Nag-post ito sa kanyang IG account kasama si Giselle Sanchez.

Interesado kaya siyang isapelikula rin ito?

 

CESAR MONTANO DION DION IGNACIO EMPRESS SHUCK FALLEN HEROES GISELLE SANCHEZ INSTAGRAM INTERESADO KAILAN BA TAMA PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with