Dahil sa pagka-adik sa gym: Cristine ilang araw nang nasa delivery room kahit pitong buwan pa lang ang ipinagbubuntis!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2015 - 12:00am

PIK: Ganadung-ganado lalo si Jennylyn Mercado na mag-ensayo sa nalalapit niyang Valentine concert sa February 13 na Oo Na, Ako Na Mag-isa, Samahan ‘Nyo Naman Ako na gaganapin sa SM Skydome.           

Sold-out na kasi ang tickets niya at marami pa ang naghahanap.

Mamaya sa Sunday All Stars ay magpapasilip si Jennylyn ng gagawin niya sa naturang concert.

Bukod daw kina Mark Herras, Dennis Trillo at Derek Ramsay, may surprise guest pa raw ang Kapuso actress na magpapasaya sa naturang concert.

PAK: May pinaghahandaan pala si Rocco Nacino na Basketball exhibition game para makalikom ng pondo para sa pagpapagamot kay Samboy Lim.

Close pala si Rocco at ang pamilya nito kay Samboy Lim, kaya nabahala sila nang husto nang inatake ito at na-coma ng ilang linggo.

Mabuti at naka-recover ito, pero kailangan pa raw ng maintenance para tuluyan siyang gumaling.

Kaya kinakailangan daw ng pera para pantustos sa kanyang pagpapagamot.

“Kaya nananawagan ako sa mga kaibigan kong artista na naglalaro ng basketball na gawa tayo ng exhibition game, isang fund-raising event na magbebenta ng tickets para makatulong kay Tito Samboy sa pagbayad ng bills niya,” pahayag ni Rocco.

BOOM: Hanggang sa ngayon ay nag-aalala pa rin ang mga taong malapit kay Cristine Reyes dahil nasa hospital pa rin ito at naka-standby daw sa delivery room.

Nasa-ika pitong buwan pa lamang siya pero bumuka na raw ang cervix nito ng 2-3cm. Kung umabot na raw ito ng 4cm baka puwede na siyang manganak.

Kung manganganak na raw ito nang premature, sana sa ika-pitong buwan na raw nito, kasi delikado kung aabot ng walong buwan.

Ang isa raw sa dahilan daw nito ay ang madalas na pagdyi-gym ng actress, kaya baka mapaaga ang kanyang panganganak.

Patuloy pa rin ang pagdarasal ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak na sana malagpasan ito ni Cristine, dahil medyo kinakabahan na raw ang aktres na kabi-birthday lang nung February 5.

 

AKO NA MAG CRISTINE REYES DENNIS TRILLO DEREK RAMSAY JENNYLYN MERCADO KAYA MARK HERRAS RAW SAMBOY LIM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with