Erap inihingi ng sorry ang anak kay Kris!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2015 - 12:00am

SEEN : May dapat matutunan si P-Noy sa paghingi ng paumanhin ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa kanyang kapatid na si Kris Aquino na binatikos sa social media ng anak ng dating pangulo. Humility.

SCENE : Bumalik na ng bansa si Congressman Manny Pacquiao. Tatlong linggo na nawala sa Pilipinas ang Pambansang Kamao dahil sa mga commitment niya sa London at Amerika.

SEEN : Nag-iba ang itsura ng Fil-Am singer na si Jessica Sanchez nang ipaayos niya ang kanyang mga ngipin. Mas gusto ng fans ni Sanchez ang dating itsura niya.

SCENE : Ang advice column ni Francine Prieto na nagbibigay ng payo sa mga problema ngunit nahihirapan siya na mabigyan ng solusyon ang mga personal niyang problema.

SEEN : Sa susunod na Linggo na ang pag-iisang dibdib nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero pero kulang sa ingay.

SCENE : Ipinagdiwang ni Mr. Tony Tuviera ang kanyang 70th birthday sa Sampaguita Gardens Events Place noong Biyernes. Si Tuviera ang producer ng Eat Bulaga at big boss ng APT Entertainment Inc.

SEEN : Limang taon na nanatili sa Amerika ang celebrity doctor na si Pie Calayan. Nagbalik-bansa si Dra. Calayan dahil sa marital problems nila ng kanyang asawa pero malaki na ang ipinagbago ng mukha niya.

SCENE : Ilulunsad ng ABS-CBN sa February 11 ang Digital Television service at ang mahiwagang black box na maghahatid ng bagong kasiyahan sa panonood ng mga programa ng Kapamilya Network.

AMERIKA CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO DIGITAL TELEVISION EAT BULAGA ENTERTAINMENT INC FRANCINE PRIETO HEART EVANGELISTA JESSICA SANCHEZ KAPAMILYA NETWORK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with