Juday nagamit ni Kris?!, That Thing... nina Angelica at JM pinupuri!
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2015 - 12:00am

Seen: Nagamit ni Kris Aquino si Judy Ann Santos sa publicity. Si Kris ang nag-post sa kanyang Instagram account sa pakikipagbati niya kay Judy Ann para siya ang maunawain at mapagkumbaba sa paningin ng publiko. Pero kabaligtaran ang nangyari. Pinararatangan si Kris na gamitera at gagawin ang lahat sa ngalan ng publicity, good or bad.

Scene: Ang predictable moves ni Kris Aquino na tila pina-practice ang art of war, keep your friends close and your enemies closer.

Seen: Tumanggi nang magsalita si Jomari Yllana tungkol sa isyu ng social media bashing niya kay P-Noy. Tumanggi si Jomari na maging another Kris Aquino.

Scene: Pinalakpakan at binigyan ng standing ovation ang special screening ng restored/high definition copy ng Bata, Bata, Paano Ka Ginawa sa U. P. Film Center noong Huwebes.

Seen: Marami ang nanonood ng That Thing Called Tadhana dahil sa good reviews at overwhelming feedback sa pelikula nina Angelica Panganiban at JM De Guzman.

Scene: Magbubukas ngayon sa 5th level ng The Block ng SM Northmall ang bagong branch ng Belo Medical Clinic.

Seen: Dapat magdagdag ng timbang si Mark Bautista upang mawala ang kanyang “natutuyo look” na epekto ng kanyang sobrang pagpapapayat.

Scene: Malapit nang matapos ang shooting ng Child Haus, ang pelikula ni Louie Ignacio tungkol sa mga bata na may mga sakit na kanser at tinutulungan ng Child Haus, ang favorite charity ni Ricky Reyes.

Seen: Nabawasan ang mga supporter ni Senator Antonio Trillanes nang sabihin nito na maaaring sampahan ni P-Noy ng online libel ang mga basher ng pangulo sa social media.

ANGELICA PANGANIBAN ANTONIO TRILLANES BATA BELO MEDICAL CLINIC CHILD HAUS DE GUZMAN FILM CENTER JOMARI YLLANA KRIS AQUINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with