_ngayon
^

Ate Vi handang-handa nang mag-alaga ng apo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Handang-handa nang magka-apo si Gov. Vilma Santos. Pero ayaw naman niyang pangunahan sa isyu ng pagpapakasal sina Luis at Angel Locsin.

“They’re both mature. Kung magpakasal, why not? Mature na siya at mature na rin ang anak ko, meron na silang sariling desisyon sa buhay.

“So kung ano ang magiging desisyon nila, nandito lang ako. Kung matutuloy na, well, looking forward to an apo, ‘di ba? Wala na kaming baby sa pamilya eh. But decision nila ‘yun, hindi ako,” pahayag ni Ate Vi matapos ang showing ng restored version ng award winning film niyang Bata Bata Paano Ka Ginawa.

Kasama ang Bata Bata… sa VX3 – kung saan tatlong restored film niya ang ipinalabas sa UP Film Institute kasama ang Anak at Kapag Langit Ang Humatol noong Huwebes ng gabi.

Pero ang isang definite ay ang gagawin nilang pelikula ni Angel sa Star Cinema.

Role ng isang mayamang may sakit ang character niya at isang caregiver ang aktres na mamanugangin. “Excited ako, excited ako (sa pelikula). Ayaw lang nga ni Luis kasi baka mapi-personal talaga. Nanay niya ako talaga. Girlfriend niya si Angel. Parang masyadong binibenta. Commercial which naintindihan ko ang anak ko. Tama lang siya. I respect his decision,” paliwanag ng aktres sa pagtanggi ni Luis na mapasama sa gagawin nilang pelikula ni Angel. Balitang si Xian Lim ang pumalit.

Very distinct daw ang character nila ni Angel pero hindi super heavy drama.

Wala namang napag-usapan sa nasabing interview kung ano na ba talaga ang plano niya sa 2016 elections at maging ang tungkol sa pagkandidato ni Luis.

Anyway, ang ganda talaga ng Bata Bata Paano Ka Ginawa. Very relatable ang kuwento at ang dialogue ni Gov. Vi na si Lea Bustamante na iniwan ng ama ng kanyang dalawang anak na ginampanan nina Serena Dalrymple at Carlo Aquino ay kakaiba at maraming naiiyak.

Bahagi ng kampanya ng ABS-CBN ang pagre-restore ng mga classic Pinoy films kasama na nga ang mga pelikula ni Ate Vi.

Kris in-emphasize na hindi naman sila close ni Juday!

Inilabas ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang text message na ipinadala niya kay Judy Ann Santos the other day. Yup, true na nakipagbati siya sa kapwa Kapamilya actress and TV host matapos niyang i-unfollow sa Instagram nang maglabas ito (Juday) ng saloobin sa hindi pagsipot ni P-Noy sa Villamor Airbase para salubungin ang Fallen 44.

 “Hi juday. It’s Kris. I decided to text kasi through the years never tayo nagka-problema between us, hindi tayo close, but there was always warmth.

“I just wanted to say that no matter the provocation to make matters worse between us I do hope when all this is behind us, we can move forward. Here’s to Peace and Harmony,” sabi ng presidential sister.

Sagot naman ni Juday : “Hi Kris… It’s a relief recei­ving a text from you… I was actually waiting for the right time to text you and explain my side… I respect and fully understand your actions… Hindi naman talaga madali ang  pinagdadaanan mo.

“What I posted on my IG was my opinion on what happened that day… I just expressed my thoughts on the situation… it was never my intention to hurt you… tama ka… Hindi naman tayo close, there was always warmth and I value the friendship that we have… Praying for peace, wisdom, and God’s guidance for all of us.”

Matuldukan na kaya ang alingasngas sa kanila?

                                                                                        

ANGEL LOCSIN ATE VI BATA BATA BATA BATA PAANO KA GINAWA BRVBAR JUDAY LUIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with