Kris ‘naduwag’ kay Judy Ann, nakikipagbati na!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2015 - 12:00am

‘Naduwag’ nga ba si Kris Aquino kay Judy Ann Santos kaya kahapon ay nag-text na siya kay Mrs. Ryan Agoncillo para makipag-ayos?

Yup, bukod daw sa finallow-back na uli ng presidential sister ang kapwa niya Kapamilya actress and TV host, nag-text na ito at gusto nang makipagbati. Pero ayaw i-reveal ng source kung anong wordings ng text message ni Ms. Kris.

“I’m sure natakot si Kris. Lahat kay Juday kumampi. Akala niya kasi kaya niya lahat, eh hindi siya lumusot kay Juday,” comment ng source ko.

Maalalang nag-post ang actress ng screen grab ng article tungkol kay U.S. President Barack Obama  entitled Obama Cancels Schedule to Meet Returned Bodies of Fallen Troops na nilagyan niya (Juday) ng caption na: “Just saying... Obama knows his priorities” nung araw na ‘inisnab’ ni Pangulong Aquino ang pagdating sa Maynila ng Fallen 44.

Dahil maraming usisera, agad nadiskubre na hindi na pina-follow ni Kris si Juday. At naging malaking balita pa ‘yun na ewan ko naman kung bakit. Pero pinanindigan ‘yun ni Juday, ‘di niya binura ang kanyang post. Nakakuha ‘yun ng 18,482 as of yesterday na likes at more than 4,000 ang comments. May pro and anti Kris and vice versa. Pero majority sa showbiz mas kinatigan si Juday.

Bukod kay Juday, naging very vocal din ang asawa niyang si Ryan sa IG. Pero walang nabanggit ang source kung nag-text din si Kris kay Ryan na nag-post din ng “Nung ikaw ang nawalan, sinamahan ka ng buong bayan. Nang ikaw ang kinailangan, nagawa mong ipagpaliban.” Hindi man pinangalanan  ng TV host sapul naman ang gusto niyang patamaan.

Gawa ng Pinoy designer pasabog sa Hollywood film na Jupiter Ascending

Ang Pinoy designer na naka-base sa Dubai na si Michael Cinco at gumawa ng wedding gown ni Marian Rivera ang gumawa ng tatlong outfit ng Hollywood actress na si Mila Kunis sa pelikulang  science-fiction na Jupiter Ascending na kasalukuyang ipinalalabas sa bansa.

Mismong ang designer na naging familiar sa mga Pinoy nang damitan si Marian sa kasal nila ni Dingdong  ang nagbalita sa kanyang IG account tungkol sa pagkakapili ng kanyang design para sa pelikulang ipinalalabas na.

Bukod kay Mila Kunis, kasama rin sa higanteng pelikula sina Channing Tatum, Eddie Red­mayne, at Douglas Booth.

Nakikita pa sa trailer ng Jupiter Ascending ang gown na ginawa ni Cinco kay Mila Kunis.

Imagine pasado sa taste ng Hollywood costume designer si Michael Cinco pero walang tiwala sa mga Pinoy designer ang taga-Binibining Pilipinas particular na si Ms. Stella Marquez-Araneta na sa isang Colombian designer ipinagagawa ang mga isinusuot ng representative ng bansa sa Miss Universe.

Anyway ayon sa interview ng Style.com/Arabia sinabi ni Cinco na kaya siya naging designer ay dahil sa classic Hollywood films. “One of the reasons why I became a fashion designer is because of my undying love for classic Hollywood films with beautiful costumes. My all-time favorite movie is My Fair Lady and it’s my ultimate dream to design and create the costumes of a remake of that movie.”

DESIGNER JUDAY JUPITER ASCENDING KAY MICHAEL CINCO MILA KUNIS PERO PINOY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with