^

PSN Showbiz

Pero hindi matawag ang pangalan... Kris sapul kay Robin!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Alex Gonzaga over acting sa pagpapakasal ni Toni

SEEN: Ang spoof ni Noli De Castro kay P-Noy sa TV Patrol noong Miyerkules. Ginaya ni Noli ang sinabi ni P-Noy na “Wala ba kayong itatanong sa akin?’ nang humarap ang pangulo sa PNP-SAF Troopers na  dinedma siya nang bonggang-bongga.

SCENE: Ang paliwanag ni Robin tungkol sa kanyang mga Instagram post:  Hindi po kami nagpapasaring dito o may pinatatamaan bagkus diretso po naming isinisiwalat ang kakulangan at kalabisan ng ating gobyerno at ng ating mga namumuno, lalo ang dayuhan na kanilang Panginoon. Ang mga post ko po mula noong 29 hanggang dito ay mga liham para sa ating mga Pilipino, hindi po sa isang artista o kapatid ng Pangulo. Tunay pong nakakapuwing ang kanilang pagkailitista ngunit hindi po sila ang dahilan ng ating pagkabulag.

SEEN: Ang comparison kina Pope Francis at P-Noy. Muling humingi ng paumanhin si Pope Francis  sa mga residente ng Palo, Leyte dahil sa kanyang misa na hindi natuloy noong January 17  at  hindi nag-apologize si P-Noy sa hindi nito pagsipot sa arrival honors para sa mga pulis na nasawi sa Mamasapano massacre.

SCENE: Ang contract signing ngayon ni Viva Group of Company big boss Vic del Rosario at ng  SM management para sa  kanilang joint project na Asian Tagalized Theater.

SEEN: Ang pagtitinda ng pork adobo in a jar ang bagong negosyo ng mag-asawang Liza Dino at Aiza Seguerra. Personal na niluluto ni Liza ang pork adobo.

SCENE: Overacting na ang reaksyon ni Alex Gonzaga sa engagement nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Umaarte si Alex nang hindi naaayon sa kanyang edad.

SEEN: Ang shooting kahapon sa Pagsanjan, Laguna ng Ang Sugo, ang long-delayed movie project ng Iglesia Ni Cristo. Three hundred million pesos ( P300 million ) ang budget ng INC sa Ang Sugo.

AIZA SEGUERRA

ALEX GONZAGA

ANG SUGO

ASIAN TAGALIZED THEATER

IGLESIA NI CRISTO

LIZA DINO

P-NOY

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with