Luis ayaw makipag-karera sa kasalan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2015 - 12:00am

Masayang-masaya raw si Luis Manzano para sa kaibigang si Toni Gonzaga dahil engaged na ang aktres at kasintahang si Paul Soriano. Laking gulat daw ni Luis nang mabalitaan ang tungkol sa marriage proposal ni Direk Paul sa aktres. “Kausap ko nga siya, sabi ko, ‘Oh kailan pa?’ Kasi hindi ko masyadong napanood ‘yung The Buzz interview. Hindi ko talaga alam. Sabi ko, ‘Bakit hindi mo sinabi sa akin? Tapos ako pa, eh alam mo naman na kung may sasabihin ka sa amin, wala akong sasabihan.’ Eh hindi eh, ang daming rason,” nakangiting kwento ni Luis.

Pabor daw ang aktor sa ginawang proposal ni Direk Paul dahil naging pribado lamang ito. “Feeling ko mas maganda ‘yung gano’n. From my standpoint mas gusto ko ‘yun kasi mas intimate. Mas natural na hindi naman kailangan ipagsigawan sa buong mundo. That’s my take on it,” paliwanag ni Luis.

Hangad daw ng binata na magtuluy-tuloy ang maayos na relasyon ng magkasintahan. “I’m sure tuluy-tuloy na ‘yan. It started as an engagement going to forever,”  makahulugang pahayag ni Luis.

Marami tuloy ang nagtatanong sa aktor ngayon kung napi-pressure na ba siyang mag-propose na rin sa kasintahang si Angel Locsin. “Hindi naman karera ‘yan. Hindi naman, mauna muna si Toni. Ang sa akin naman, everything comes so natural, that’s the best way to do it, hindi lang dahil nagpa-influence ka rito or dahil marami nang kinakasal. Hindi eh, I think to be influenced by that, especially sa marriage is very wrong,” giit ng aktor.

May kakaibang magic daw ang tambalan nila Vice Ganda si Wenn Deramas lang ang gustong direktor sa pelikula

Muling pumirma ng kontrata si Vice Ganda sa Star Cinema. Malaki raw ang pasasalamat ng komedyante dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga tagahanga kaya kumikita ang kanyang mga pelikula. “’Yung Diyos sobrang misteryoso gumalaw. ‘Yung Praybeyt Benjamin laking-laki na lahat. First film na naabot ang 300 million. Tapos sumunod ‘yung Sisterakas nag-400 pa, tapos Girl, Boy, Bakla, Tomboy 400 plus. Parang every year na lang tinatanong nila sa akin paano mo tatapatan ‘yun? Paano mo hihigitan ‘yun? Hindi namin lahat alam,” pagbabahagi ni Vice.

Malaking bagay rin daw ang working relationship niya kay Wenn Deramas na siyang direktor ng kanyang mga nagawang pelikula. Hiling ni Vice na si direk Wenn muli ang gumawa ng kanyang mga susunod na pelikula. “’Yung mga tao laging nagtatanong bakit laging Vice-Wenn nitong mga sunud-sunod na pelikula ko. Gusto ko direk Wenn kasi okay ‘yung magic namin. Nagwo-work pa ‘yung tandem namin, sobrang nagwo-work pa. Nagkakaunawaan pa kami, gustung-gusto ko ‘yung ideya namin,” paliwanag ni Vice.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN DIREK PAUL LUIS LUIS MANZANO PAUL SORIANO VICE GANDA WENN DERAMAS YUNG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with