^

PSN Showbiz

Sec. Mar at Sec. Lacierda, ngarag na ngarag na ang hitsura!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang artista rin sina DILG Secretary Mar Roxas at Secretary Edwin Lacierda dahil stressed-out na stressed-out ang kanilang mga itsura sa tuwing napapanood ko sila sa TV mula nang mangyari ang Mamasapano Massacre. Lumaki na ang eyebags ni Lacierda at tila laging kulang sa tulog si Papa Mar.

Ang pagkakaiba lang, napupuyat ang mga artista sa mga taping at shooting samantalang sina Papa Mar at Lacierda, ngarag ang mga mukha dahil sa mga problema ng Aquino administration na lumaki lang nang husto nang hindi umapir si P-Noy sa arrival honors sa Villamor Airbase noong Huwebes.

Kung nagpakita si P-Noy kahit sandali, hindi sana magiging malaki ang isyu at hindi mababawasan ang mga sinusundan ni Kris Aquino sa Instagram.

Arnell wini-wish bumalik na agad si Pope Francis

Ang bumalik si Pope Francis sa bansa sa lalong madaling panahon ang wish ni Arnell Ignacio.

Hindi natin masisisi si Arnell dahil ang saya-saya naman talaga sa Pilipinas sa limang araw na pagbisita ng Santo Papa.

Maliligaya ang lahat, walang krimen at parang napakabanal ang lahat ng mga Pilipino.

Pero panandalian lamang ang lahat dahil napalitan ng matinding kalungkutan ang halos abot sa langit na kaligayahan ng mga kababayan natin.

Anim na araw pagkatapos mag-goodbye sa Pilipinas si Pope Francis, nagluksa ang buong bansa dahil sa 44 –PNP-SAF Troopers na pinaslang sa Maguindanao.

Hanggang ngayon, nagdadalamhati pa rin ang bayan natin kaya nag-dialogue si Arnell na bumalik sana sa Pilipinas si Pope Francis.

Malabo na matupad ang wish ni Arnel dahil busy rin ang schedule ni Pope Francis pero malay natin, baka magkaroon ng himala at kahit wala sa kanyang schedule, maisipan niya na bumalik sa Pilipinas  para muling makapiling ang mga Pilipino na  mainit ang pagtanggap sa Santo Papa.

I’m sure, alam ni Pope Francis ang mga nangyayari sa ating bansa at kung kilala natin siya, tiyak na ipagdarasal niya ang mga Pilipino at ang bayan natin.

Jomari at Juday imbitado sa prayer rally ng ‘Fallen 44’

Wala pa akong nababasa na mga batikos laban kay Jomari Yllana,  ang nag-iisang artista na buong tapang na nagsalita tungkol kay P-Noy.

So far, mga papuri para kay Jomari ang mga nakikita at nababasa ko.

May mga nag-iimbita kina Jomari at Judy Ann Santos sa prayer rally para sa “Fallen 44” dahil nanindigan sila. Ewan ko lang kung pagbibigyan ng dalawa ang mga imbitasyon dahil baka wala ito sa kanilang mga schedule.

Busy si Jomari sa tapings ng The Half Sisters at  full–time wife and mother naman si Juday sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo at sa kanilang anak na si Lucho.

LJ pa-angkla-angkla na lang kay JC naka-angkla si LJ  Reyes sa braso ni JC De Vera sa picture nila na kumakalat.

Matagal nang natsitsismis na may relasyon ang dalawa pero walang confirmation o direktang denial.

So what naman kung may inililihim na relasyon sina LJ at JC? Matagal nang single si LJ at ganoon din si JC.

Hindi pa umaamin si LJ pero may mga pahiwatig si JC tungkol sa kanilang special friendship. Nagsalita noon si JC sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV  at bitin man ang kanyang pralala, kumbinsido ang mga reporter na may namamagitan sa kanila ni LJ.

Maliit lang ang mundo ni LJ dahil talent ni Leo Dominguez ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino na ama rin ng anak niya. Alaga rin ni Leo si JC na rumored dyowa ni LJ.

ARNELL

DAHIL

JOMARI

P-NOY

PAPA MAR

PILIPINAS

PILIPINO

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with