Luis finally, umaming inaayos na ang kasal nila ni Angel
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2015 - 12:00am

PIK: Panibagong blessings itong  bagong endorsement ni Luis Manzano na Puregold Perks na kung saan mai-enjoy ng mga mamimili ang iba’t ibang perks kapag makaipon ng points mula sa mga pinamimili nito.

Proud si Luis na binanggit sa press launch nito kahapon na isa sa perks na ini-enjoy niya mula sa Puregold ay ang request daw nito para sa kanila ni Angelo Locsin.

May kinalaman kaya ito sa balak nilang pagpapakasal?

Pagdating sa isyung kasal ay napapag-usapan lang daw nila, pero wala pa raw talaga silang kontretong plano kung kailan, anong klaseng wedding at kung anu-ano pa.

Basta napapag-usapan lang daw among friends na nag-iisip na raw kung ano ang kulay ng damit na isusuot at kung saan gaganapin. Hanggang dun pa lang daw muna na at least, napapag-usapan na raw.

“It’s three steps forward compare to none,” pakli ni Luis.

PAK: Nagulat si MJ Lastimosa pagdating ng bansa nang nabalitaan niya ang nangyaring engkuwentro sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 na police commandos ng SAF.

Taga-North Cotabato si MJ at kinalakihan niya ang mga nangyayaring gulo sa kanilang lugar at sa mga malalapit na bayan. Kaya masyadong nalungkot daw siya nang may ganung pangyayari.

Huli lang daw niya nalaman dahil pansamantalang nagsara raw siya ng social media connections para ma­kapag-concentrate sa Ms. Universe. Kaya hindi niya nalaman ang naturang malungkot na balita.

BOOM: Si Kris Aquino ang pinutakti ng mga ‘di magagandang komento laban kay Pres. Noynoy Aquino.

Kagagaling niya ng Manaoag na madalas niyang ginagawa bago siya mag-birthday.

Ipinost niya ito sa kanyang Instagram account na kung saan nagsindi siya ng kandila bilang pasasalamat sa lahat na blessings at pagdarasal sa 44 Fallen Heroes. Pero dinagsa agad ito ng mga komentong karamihan ay kinukuwestiyon ang ‘di pagsalubong ni PNoy sa mga nasawing pulis, ang pagka-late nang da­ting sa necrological service, pati ang pagsali ni PNoy ng namayapang magulang sa kanyang message of sympathy.

ANGELO LOCSIN FALLEN HEROES KAYA KRIS AQUINO LEFT LUIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with