^

Pinag-pray kay Pope Francis Kris tanggap nang tatandang walang asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2015 - 12:00am

Sa programang Kris TV noong Miyerkules ay naibahagi ni Kris Aquino na kuntento na raw siya ngayon sa pagiging ina kina Josh at Bimby.

Nineteen years old na ngayon si Josh habang si Bimby naman ay mag-i-8 years old na sa April 19.

Walang kasintahan ang Queen of All Media at tanggap na raw nito kahit tumanda na siyang ang dalawang anak lamang ang kasama sa buhay. “Okay na nga, happy na ako. Pinray ko ‘yon kay Pope Francis no’ng nag-mass. Kasi parang sinabi ko, no’ng sa gitna ng ulan na ‘yon, basta mabait lang. Kasi I was so proud na hindi nag-brat ‘yung dalawa, tiniis ‘yung ulan, hindi nag-ingay, hindi nag-naughty. So sabi ko, ‘Sige na God, kung imi-maintain mo silang ganito kabait, okay na, na alone ako. Keribels na, okay kami,” kuwento ni Kris.

“You realize things in life, parang na-realize ko I’m meant to be a mom, maybe I am not meant to be a partner, for now hindi ba? But I am enjoying the season of my life to be a mom,” dagdag pa ng aktres.

Matatandaang  naugnay kay Kris sina Derek Ramsay at Herbert Bautista kamakailan pero hanggang ngayon ay wala pa ring karelasyon ang aktres.   

Jane singer na rin, Malapit na ring magka-album

Pinasok na rin ngayon ni Jane Oineza ang pagkanta. Nag-collaborate ang dalaga at  ang Spongecola para sa kantang Move On na bagong single ng banda. “Nakakatuwa ‘yung pagtanggap ng tao sa song. Kasi right now ‘yung Move On sa i-Tunes nasa Top 20 na. So nakakagulat na gano’n ‘yung pagtanggap nila sa song,” nakangiting pahayag ni Jane.

Matagal-tagal na raw pinapangarap ng aktres na magkaroon ng sarili niyang album. “Actually it’s always been my dream to have a song, to have an album pero before kasi feeling ko hindi mangyayari, na ‘yung dream hanggang doon lang. Hanggang sa pangarap lang and unbelievably nagkaroon nga ako ng song. Tapos balak pa nila someday, soon, album na,” pagtatapat ni Jane.

Samantala, abala rin ngayon ang dalaga sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagbida ang aktres sa isang teleserye kaya nagpapasalamat si Jane sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang ginagawa.  “Salamat sa suporta, salamat sa pagmamahal. Kasi nakikita ko na nagte-trend sa Twitter at lagi nilang pino-promote sa mga groups nila. Ako masaya lang na pagdating sa set everyone is supportive,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                

BIMBY BUT I KASI LEFT MOVE ON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with