Para raw nanalo sa sweepstakes Mother Lily nakabati na ang nakasamaan ng loob na si Manay Ethel
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Finally, nagkabati na rin kahapon ang Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde at ang tinaguriang dean of entertainment press na si Manay Ethel Ramos.

Naganap ang pagbabati ng dalawa sa post-birthday lunch ng entertainment editor na si Ian Fariñas sa Victorino’s Restaurant sa may Scout Rallos, Quezon City.

Si June Rufino ang nagpaalam kay Manay Ethel na papu­puntahin doon si Mother Lily at hindi naman komontra ang beteranang entertainment columnist.

Si Mother Lily naman (na nasa malapit lang pala), wil­ling talagang maki­pagbati kay Manay Ethel after nilang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isa sa mga presscon ng film outfit niya.

Parehong teary-eyed sina Mother Lily at Manay Ethel nang magyakapan sila.

Tuwang-tuwa naman sina Salve Asis (ang aming editor), Grace Monteverde (daughter-in-law ng Regal Entertainment producer) at isa pang saksi sa pagbabating ‘yon ng dalawa.

Sabi nga ni Mother Lily, para siyang nanalo sa sweepstakes dahil finally nga ay okay na sila ni Manay Ethel.

Dina mabait at madaling kausap, nakaalitan napatawad na rin

Sumunod naman sa lunch namin si Manay Lolit Solis.

Si Manay Lolit ang nagkuwentong nakita niya ang mag-asawang Ilocos Sur Vice Gov. DV Sevillano at Dina Bon­nevie.

Dahil naroon na rin ang aming PSN editor na si Salve, kinausap siya ni Manay Lolit na ipapakilala sa mag-asawa na nagdemanda sa kanya ng libel.

“Halika na, para maayos na kayo,” yaya ni Manay Lolit at sinamahan na rin namin sila nina Mother Lily at Tita June sa pagpunta sa mesang kinaroroonan ng mag-asawa.

Ipinakilala ni Manay Lolit sa mag-asawa si Salve at nagkaroon ng pag-uusap na hindi ko na idedetalye pa.

Pati nga ang kapatid ni DV na si Ms. Quee­nie Sevillano-Paras na kaibigan ng mga miyembro ng entertainment press na madalas kumain sa Victorino’s ay tinawag na rin namin para tumulong na maayos na ang “gusot” sa pagitan ni Salve at ng mag-asawa.

Sa pagkakakilala naman namin kay Dina, ma­bait at madali naman siyang kausap, kaya umaasa talaga ang grupo na magkakaayos din sila ni Salve.

Sa kuwento nga pala ni Dina, nabanggit niya na halos sabay niyang lumaki si Boss Miguel Belmonte na big boss namin dito sa Pilipino Star NGAYON (PSN) at niligawan pa ang sister ni Dina ng isa sa mga kapatid ni Boss Miguel.

Annabelle Rama hindi makausap, namatayan ng kapatid

After naman ng dalawang masayang pangya­yari sa Victorino’s, sobrang sad naman ako para sa pamilya ni Annabelle Rama dahil namatay ka­hapon ang kapatid niyang si George Rama na sobrang lapit talaga sa kanya.

Ilang araw na ring nasa Cebu si Bisaya dahil nasa ICU nga si Tito George at kahapon ng bandang 3:00 p.m. ay sumakabilang buhay na ito.

Nang tawagan ko kahapon si Bisaya, iyak lang siya nang iyak. Sobrang atungal siya at hindi na niya nagawang makapagsalita pa.

Tinawagan ko naman ang pinsan nilang si Mr. Jing Rama na kapatid ni Cebu City Mayor Mike Rama at sinabi nito sa akin na nasa ICU pa sila at lahat ay nag-iiyakan at sobrang lungkot dahil sa pagkamatay ni Tito George na barangay captain sa lugar nila sa Basak, Cebu City.

Sabi ni Tito Jing, hindi pa nga raw makausap si Bisaya dahil sa sobrang pag-iyak, pero kagabi raw ay ibuburol na sa Rama compound ang mga labi ni Tito George.

 

ANNABELLE RAMA BISAYA DINA MANAY MANAY ETHEL MANAY LOLIT MOTHER LILY NAMAN TITO GEORGE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with