Showbiz kasalan, sunud-sunod na naman
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2015 - 12:00am

Alam mo, Salve A., kung maraming ce­­le­brity couple ang ikinasal last year,  mukhang ma­uulit ito sa taong ito. Janua­ry 8, 2015 gina­nap ang symbolic o ceremonial wedding nina Aiza Se­guerra at Liza Dino na ginanap sa isang resort sa Batangas. Sinun­dan ito ng ka­sal nina Saab Magalona at Jim Ba­car­ro last January 24 ng ha­pon sa St. Ignatius Church sa loob mismo ng Philippine Military Aca­­demy sa Baguio City habang ang reception naman ay ginanap sa Gov. Forbes Ballroom ng Baguio Country Club.

Next to get married sina Cesca Litton at Tyke Kalaw on February 14 na siya ring wedding date (sa Tagaytay) nina Yeng Cons­­tantino at Victor Asun­cion. Sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evan­gelis­ta naman ay mag-iisang dibdib on February 15. Sa bu­wan naman ng Marso nakatakdang ikasal ang 2nd son nina Gary Valenciano at Angeli Pa­ngi­linan-Valenciano na si Gab Valenciano sa nobya nitong si Tricia Cen­tera sa Tagaytay.

Dalawang couple din ang nakatakdang ikasal sa buwan ng Mayo, sina John Prats at Isabel Oli at ang Bossa Nova Queen na si Sitti sa non-showbiz boyfriend nitong si Joey Ramirez.

John Lloyd hindi pa si Angelica ang gustong mapangasawa?!

Kung handa na si Angelica Panganiban na maging Mrs. John Lloyd Cruz, tila hindi pa ready si JLC dahil asiwa ito kapag tinatanong siya kung kelan sila magpapakasal ng kanyang GF. Ang sagot nito, priority niya sa ngayon ang kanyang showbiz career la­lupa’t kapipirma pa lamang niya ng panibagong three-year contract with ABS-CBN na kailangan umano niyang tuparin.

Nangangahulugan kayang maghihintay pa ng panibagong tatlong taon si Angelica? O baka naman allergic si JLC sa salitang kasal?

Parehong nasa tamang edad na sina John Lloyd at Angelica. JLC is turning 32 on June 24 at 29 naman si Angelica.

Alonzo sobrang na-miss si Ryzza Mae 

Hindi ikinakaila ng four-year-old child star na si Alonzo Muhlach na nami-miss umano niya ang kanyang itinuturing na best friend na si Ryzza Mae Dizon.

Nang makausap namin si Alonzo sa Celebrity Talk ng Walang Tulugan with the Master Showman, ina­min ng bagets na dinalaw umano niya si Ryzza Mae sa programa nitong The Ryzza Mae Show at dinalhan niya ng kanyang personalized pillow na may litrato niya.

Naging malapit na magkaibigan sina Ryzza Mae at Alonzo nang magkasama sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Big Bossing at The Ryzza Mae Show kung saan na­ging special guest co-host ni Ryzza Mae si Alonzo sa loob ng isang buwan.

Si Alonzo ay kabilang na sa Goin’ Bulilit at bagong sisimulang TV series ni Alex Gonzaga, na Inday Bote ng ABS-CBN.

 

AIZA SE ALEX GONZAGA ALONZO ALONZO MUHLACH ANGELI PA JOHN LLOYD RYZZA MAE RYZZA MAE SHOW SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with