Lyca umatungal nang hindi malapitan nang hindi malapitan si Pope Francis!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2015 - 12:00am

Napahanga ni Lyca Gairanod ang lahat nang awitin niya ang Tell The World of His Love sa MOA Arena noong nandito sa bansa ang Santo Papa. Gustung-gusto raw sanang malapitan ni Lyca nang oras na iyon si Pope Francis ngunit hindi niya ito nagawa. “Umiyak nga po ako kasi hindi ko po siya nalapitan. Malayo po ako kasi malayo po ‘yung upuan namin. Sobrang layo po, doon po kami sa may hulihan,” kuwento ni Lyca.

Isang malaking karangalan daw para sa bata ang makapag-perform para kay Pope Francis. “Masayang-masaya rin po ako kahit hindi po ako nakalapit sa kanya. Sa rami po ng mga kumakanta, ako po ‘yung napili nila na singer para kay Pope Francis. Natutuwa po ako na ma-bless niya po kami ng family ko,” nakangiting pahayag ni Lyca.

Aminado ang batang singer na hirap siya kapag kumakanta ng English songs kaya inaral daw nitong mabuti ang kanta para sa katatapos pa lamang na event.

Samantala, matatandaang sumikat ang Tell The World of His Love noong 1995 World Youth Day na pinangunahan ni Pope Saint John Paul II sa bansa.

Anak ni Piolo nanghihingi ng kapatid

Matagal-tagal na raw naghahangad si Piolo Pascual na magkaroon ng isa pang anak upang magkaroon ng kapatid si Iñigo. “Hindi ko na-experience ‘yon kay Iñigo. I was in the States when he was born. So iyon ‘yung oras na gusto kong i-devote sa family ko, sa anak ko. Mahilig ako sa mga bata eh,” bungad ni Piolo.

Gusto rin daw mismo ni Iñigo na magkaroon ng kapatid. “Gusto niya pero in time. Gustung-gusto ko na pero wala eh,” pagtatapat ni Piolo.

Walang kasintahan ngayon ang aktor at gusto raw ni Piolo na pumasok sa isang relasyon kapag nag-18 years old na si Iñigo. 17 years old na ngayon ang anak ng aktor. “Mas gusto ko na lang itutok ang atensyon ko sa kanya. Para at least kung ano man ‘yung mga pagkukulang ko sa kanya during the last few years na hindi ko siya kasama, bago man lang siya mag-18 magawan ko ng paraan. I just promised him na until he’s 18, I’ll spend time with him,” pagbabahagi ni Piolo.

Pinagsasabihan kaya ni Iñigo ang aktor para huwag munang magkaroon ng bagong kasintahan? “It’s not up to him. Not na wala siyang say, kaya nga wala akong girlfriend is because of him. I’ll respect kung sino man gugustuhin niya. But just the same, it’s not up to him,” giit ni Piolo. Reports from JAMES C. CANTOS

AKO GUSTO GUSTUNG LYCA LYCA GAIRANOD PIOLO POPE FRANCIS TELL THE WORLD OF HIS LOVE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with