Dawn humagulgol nang ‘iwan’ ni Pope Francis; Mukhang maumbok ni Claudine paliliitin ni Dra. Belo
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2015 - 12:00am

SEEN: Iniyakan ni Dawn Zulueta ang pag-alis ni Pope Francis sa bansa noong Lunes. Nasubaybayan ni Dawn ang lahat ng Papal Visit activities.

SCENE: Dumating kahapon ng umaga mula sa Hong Kong ang ina ni Kristel Mae Padasas, ang volunteer na nabagsakan ng scaffolding nang magmisa si Pope Francis sa Tacloban City noong Sabado. Hindi binigyan ng mga TV network ng respeto at privacy ang pagdadalamhati ng ina ni Kristel dahil ipinalabas nila sa TV ang malakas na pagtaghoy niya sa harap ng bangkay ng anak.

SEEN: Hindi ipinakita sa TV ang pagdalo ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng kanyang pamilya sa concluding mass ni Pope Francis sa Quirino Grandstand noong Linggo.

SCENE: Inaasahan na ilalabas ngayon ng Supreme Court ang desisyon sa disqualification case na isinampa laban kay Manila City Mayor Joseph Estrada ni former Manila City Mayor Alfredo Lim.

SEEN: Ang Tuesday lunchtime meet-and-greet ni Manny Pacquiao sa Hollywood @ Highland Mall na bahagi pa rin ng promo ng kanyang documentary movie, Manny na ipalalabas sa US theaters sa January 23.

SCENE: Exilis Treatment with Thermage ang procedure ng Belo Medical Clinic kay Claudine Barretto upang lumiit at magkaroon ng korte ang kanyang namumutok na pisngi.

SEEN: Masakit sa mata ang false eyelashes na ginagamit ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, na kulang sa sincerity ang mga television report.

SCENE: Nagpapasalamat ang pamilya ni Samboy Lim sa lahat ng nagbigay ng financial help na malaking tulong sa pagpapagamot ng na-comatose na ex-PBA player. Nagpapagaling na si Lim sa kanilang tahanan.

BELO MEDICAL CLINIC CLAUDINE BARRETTO DAWN ZULUETA DORIS BIGORNIA EXILIS TREATMENT HIGHLAND MALL HONG KONG KRISTEL MAE PADASAS POPE FRANCIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with