_ngayon
^

PSN Showbiz

‘Hindi ako si Coco, hindi ko kaya ang sunud-sunod na soap’ Piolo na-drain sa Hawak Kamay, gusto munang mamahinga

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw sigurado si Piolo Pascual kung muli siyang makagagawa ng isang teleserye. Matatandaang Hawak Kamay ang huling soap opera na nagawa ng aktor at nagtapos na ito kamakailan. “Sabi ko kasi, movie-soap-movie-soap, mahirap magkakasunod na soap eh. nakakapanghina,” nakangiting pahayag ni Piolo.

“Hindi ako si Coco (Martin), hindi ko na kaya na soap-soap. Saka ‘yung last soap ko, feeling ko binigay ko na ‘yung kaluluwa do’n sa soap eh. Hindi lang ako na-drain, ilang beses na ako na-refill do’n,” paliwanag ng aktor.

Samantala, may bulung-bulungan na hindi na diumano matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nina Piolo at Sarah Geronimo. “I can’t speak about that because hindi pa sila nagpi-pitch ulit. Ang assignment ko kasi was to do my back story for the movie. Kasi with the recent developments parang hindi na tuloy ang Sarah (movie) but I cannot speak for Star Cinema. I will only find out once I meet them kung ano ang matutuloy. I really want to work with her but I think it’s not the right project or something like that,” paliwanag ng aktor.

Edgar marami pang gustong maabot

Kahapon ay nagsimula na ang teleseryeng Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador. Kasama rin sa nasabing proyekto si Edgar Allan Guzman na isa na ring Kapamilya star ngayon. “Yes, Kapamilya na ako. Iniwan ko na ang show sa kabila. Last year pa nag-expire ang contract ko sa kanila,” bungad ni Edgar Allan.

Ayon sa aktor ay desisyon daw nila ng talent manager na si Noel Ferrer ang pag-alis sa TV5 at paglipat sa ABS-CBN. “Pareho naming desisyon ito para masubukan ko naman ang bagong opportunity dito sa ABS-CBN. And I don’t care kahit magsimula ulit ako sa scratch. Tapos na naman ang contract ko sa kanila eh. saka, nagpaalam naman kami nang maayos. Normal lang naman ‘yung kabahan ka sa naging desisyon mo pero hindi mo naman malalaman kung tama ang ginawa mo hangga’t hindi mo sinusubukan. Sabi ko nga, okay lang naman na magsimula ulit ako, gano’n talaga eh,” paliwanag ni Edgar Allan.

Gusto raw maabot ng binata ang kanyang mga pangarap kaya nagpasya nang lumipat sa Kapamilya network. “Nakita ko kasi sa ABS-CBN na puwede pang ilabas ‘yung talent ko na hindi ko pa naipapakita noon. Iniisip ko rin kasi ‘yung growth ko as an actor, sa tingin ko, mas meron ako rito. Siyempre bilang aktor, gusto ko rin ng teleserye at magkaroon ako ng award sa TV. Pangarap ko ‘yun, kaya gusto ko ngayon sa ABS-CBN,” giit pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

AKO EDGAR ALLAN EDGAR ALLAN GUZMAN JANELLA SALVADOR KAPAMILYA MATATANDAANG HAWAK KAMAY NOEL FERRER SOAP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with