Zsa Zsa ayaw halos bitawan ang Best Actress trophy
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2015 - 12:00am

Sa presscon ng pelikula niyang M (Mother’s Mai­den Name) lang natanggap ni Zsa Zsa Padilla ang napanalunang best actress trophy for the said movie sa New Wave category ng MMFF. Tuwang-tuwa itong hinawakan ang trophy at sa buong interview niya sa TV, hindi binitawan ang trophy.

Ang narinig namin, sinabi ni Zsa Zsa na based sa buhay ng kaibigan ni Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films ang karakter niyang si Bella na may stage 4 pancreatic cancer. Hanggang sa en­ding ng movie, walang binago sa story.

Sa January 21 na pala ang showing ng M na graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa script at direction ni Zig Dulay. Gumaganap na anak ni Zsa Zsa si Nico Antonio.

Front seats sa concert ni Jennylyn na-sold out na agad

Nagrereklamo ang fans ni Jennylyn Mercado dahil wala na silang mabiling tiket sa front seat sa February 13 concert ng aktres sa SM North Skydome na Oo Na! Ako Na Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako. Unang naubos ang tiket sa harap.

Siniguro ni Atty. Joji Alonso na guest si Derek Ramsay sa concert ni Jennylyn at ga­gamitin na rin ang concert para magpasalamat ang dalawa sa sumuporta sa English Only Please. Isa rin ang Quantum Films ni Atty. Joji na producer ng concert kasama ang GMA Network, Becky Aguila, at MJM Productions.

Sa interview kay Jennylyn sa presscon ng Se­cond Chances, nabanggit na bukod kay Derek, guests din niya sa concert sina Dennis Trillo, Pa­trick Garcia, at Mark Herras, pero wala ang name nila sa poster.

Samantala, this Saturday tampok sina Jennylyn at Mark Herras sa Magpakailanman sa episode na May Aids ang Asawa Ko  sa direction ni Laurice Guillen.

Jasmine nakuha na rin ng Star Cinema

Ang Halik sa Hangin pala ng Star Cinema ang tinukoy ni Jasmine Curtis-Smith na malaking pelikulang nag-guest siya. Hindi ito nagbigay ng clue nang makausap namin kung anong movie at film company siya nag-guest, pero sa presscon nang nasabing pelikula, in-announce na guest si Jasmine.

Hindi sinabi kung ano ang role ni Jasmine, so walang choice ang fans nito kundi hintayin ang showing ng movie sa January 28. Ibig sabihin nito, puwede ring gumawa ng movie sa Star Cinema si Jasmine.

Samantala, dalawang shows ang naka-line up kay Jasmine sa TV5. Ang Move It: Clash of Street Dancers na hosts sila ni Tom Taus at pilot sa January 25, 7:00 pm. Tampok din siya sa Wattpad Presents...A House Full of Hunks kasama sina Vin Abrenica, Albie Casiño, Charlie Sutcliffe, at John Spainhour. Sa February 9 to 13 ang airing ng episode.

A HOUSE FULL OF HUNKS AKO NA MAG JENNYLYN JOJI ALONSO MARK HERRAS QUANTUM FILMS STAR CINEMA ZSA ZSA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with