^

PSN Showbiz

Zsa Zsa kakanta lang sa pa-auction ng mga ari-arian ni Dolphy na aabot daw sa P350-M!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi na raw itutuloy ni AiAi delas Alas ang balak niyang pagpasok sa pulitika. Sa ngayon daw ay ayaw na niya muna, pero gusto raw niyang makatulong sa anumang proyekto ni Gov. Vilma Santos sa Batangas na may kaugnayan sa sports and culture.

Magiging active din daw siya sa mga sisimulang proyekto ni Vice Pres. Jejomar Binay kagaya raw ng Kilos Kaayusan na ilu-launch nila ngayong January 24.

PAK: Umabot ng mahigit twelve thousand likes at halos 150 ang nag-comment sa post ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram (IG) account kung saan inilabas niya ang kanyang malaking tiyan katapat ng 6-pack abs ng boyfriend niyang si Ali Khatibi.

Isa iyon sa napakagandang post ng sexy actress na proud na proud sa kanyang ipinagbubuntis.

Sumasabay siya sa workout ni Ali kung saan matiyaga raw siyang tini-train ng kapatid ng boyfriend.

BOOM: Mabilis ang sagot ni Zsa Zsa Padilla ng “Meron naman siguro” nang tinanong siya kung meron ba siyang bahagi sa makukuha sa auction ng properties ni Mang Dolphy na gagawin sa Dolphy Theater sa January 31.

Nang nakausap namin ito sa presscon ng pelikula niyang M (Mother’s Maiden Name) na magsu-showing na sa January 21, sabi niya, ang tanging partisipasyon daw niya sa naturang auction ay kumanta, pero ang mangangasiwa talaga nito ay sina Eric Quizon dahil ang bahagi ng malilikom sa naturang auction ay para sa Dolphy Aid ng Pinoy Foundation.

Pero ang daming properties daw ni Mang Dolphy na hindi niya nakita at ang ilan ay minsan lang daw niya napuntahan.

Hindi raw niya alam kung talagang umabot ng 350 million pesos ang mga real estate property ng namayapang Comedy King.

Pinabulaanan na rin ni Zsa Zsa ang isa pang intrigang may samaan daw sila ng loob ng anak niyang si Zia Quizon tungkol sa balak niyang pagbebenta ng kanilang bahay.

“Nakita n’yo naman sa aking IG na magkasundo kami.

“I don’t think it’s the right time to sell yet, but we all know naman na we don’t know the future kung ibebenta ba namin, but for now…by God’s grace we don’t need to sell yet. It’s there,” deretsong sagot ng singer/actress.

ALI KHATIBI

COMEDY KING

CRISTINE REYES

DOLPHY AID

DOLPHY THEATER

ERIC QUIZON

JEJOMAR BINAY

MANG DOLPHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with