^

PSN Showbiz

Kris natupad ang pramis na ‘ayusin’ si Derek sa ABS-CBN, TV5 may libreng coverage ng Sto. Papa sa Araneta!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang pagtatambal nila ni Derek Ramsay sa isang movie project ang ka­tu­paran ng pangako ni Kris Aquino na gagawa ito ng paraan upang bumalik ang magandang relasyon ng aktor sa ABS-CBN.

SCENE: Nag-renew ng kontrata si Derek Ramsay sa TV5 kaya hindi totoo ang mga tsismis na babalik na siya sa ABS CBN.

SEEN: Ngayon ang playdate ng Edsa Woolworth sa nationwide theaters. Bida si Pokwang sa Edsa Woolworth at comeback movie ito ng former dancer-turned-actor na si Lee Robin Salazar.

SCENE: Ang  pahayag ni Piolo Pascual na baka hindi pa matuloy ang pagtatambal nila ni Sarah Geronimo sa pelikula dahil may ibang aktor na ipapareha sa singer-actress.

SEEN: Ang Papal coverage ng TV5 na live at libre na mapapanood  sa Smart Araneta Coliseum sa January 16 hanggang January 18.

SCENE:  Ang Celebrations of Nations Parade kahapon ng official delegates ng Miss Universe 2014 sa Miami, Florida.

SEEN: Mabilis na inaksyunan ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio ang reklamo ng entertainment writers tungkol sa wala sa lugar na paghihigpit ng mga security guard ng network sa press preview ng Flor de Liza noong Lunes. Ibinalik ni Concio ang mga marshall na nag-aasikaso at  naghahatid sa mga reporter sa presscon venue.

SCENE: Ang Pope Patrollers ng ABS-CBN na maghahatid ng mga update tungkol sa Papal Visit ni Pope Francis sa Pilipinas. Mula sa iba’t ibang school sa Metro Manila ang Pope Patrollers.

ANG CELEBRATIONS OF NATIONS PARADE

ANG PAPAL

ANG POPE PATROLLERS

DEREK RAMSAY

EDSA WOOLWORTH

KRIS AQUINO

LEE ROBIN SALAZAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with