^

Bagito nakipagtulungan sa CEFAM para gabayan ang kabataan

(Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Magaganap ang malaking pagbabago sa buhay ng mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, at Ella Cruz sa pagbubukas ng bagong kabanata ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Bagito.

Ayon sa mga teen stars marami silang pasabog na dapat tutukan. Mas marami ring mapupulot na aral tungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan, lalo na sa pagsunod sa utos ng mga magulang.

Samantala, upang mas makapagbigay ng gabay sa televiewers, makikipagtulungan ang Bagito sa ins­titusyon na Center for Family Ministries (CEFAM) para sa pagbubukas ng Bagito Hangout online forum kung saan maaaring magtanong at humingi ng payo ang netizens sa counselors ng CEFAM. Ito ay magsisimula sa Enero 19 (Lunes), mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m. sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout.

Bahagi pa rin ng Bagito ang mga batikang artistang sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino. Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang boy group na Gimme 5 na kinabibilangan nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.

AGOT ISIDRO ALEX DIAZ ALEXA ILACAD ANGEL AQUINO ARIEL RIVERA BAGITO BAGITO HANGOUT BRACE ARQUIA ELLA CRUZ FAMILY MINISTRIES GRAE FERNANDEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with