Luis naguguluhan pa rin kung sasabak sa pulitika at pakakasalan si Angel ngayong 2015
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nang maimbitahan ang grupo namin ng philanthropist-businesswoman na si Pinky Tobiano at ng mister niyang si Juancho Robles sa The Farm sa San Benito, Lipa City, Batangas noong Huwebes, may nakapagtsika sa amin na may bagong bahay na ipinatayo sa lugar na ‘yon ang TV host/actor na si Luis Manzano.

Ayon nga sa tsikang nasagap namin, maganda ang bahay roon ng boyfriend ni Angel Locsin at kita ‘yon sa dinaraanan papunta sa The Farm. Ipagtanong lang daw sa mga tricycle driver at ituturo na sa amin ang bahay ng panganay ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Sa rami ng magagandang bahay na nadaa­nan namin na malapit sa The Farm, nalito kami kung saan ba talaga ang bahay na ipinatayo raw ni Luis, kaya tinawagan ko ang TV host/actor para siya na mismo ang tanungin.

Gulat si Luis sa pang-uusisa ko sa kanya.

“Wala akong ipinatayong bahay sa malapit sa The Farm. Baka ang sinasabing bahay ko sa Lipa City, ‘yung family house namin. Pero ‘yung akin mismo, wala!” madiing pagtanggi ng boyfriend ni Angel.

Nilinaw ni Luis ang balitang ‘yon. May isang bahay daw siya sa may Anilao sa Mabini, Batangas na tinitingnan, pero hindi pa raw niya nabibili ‘yon.

“May tiningnan na akong bahay sa may Anilao at nagustuhan ko, pero hindi ko pa nabibili. Hindi pa ako sure kung mabibili ko ‘yon,” sabi ni Luis.

Tungkol naman sa balitang tatakbo siyang ma­yor ng Lipa City sa 2016, hindi pa rin daw talaga siya siguradung-sigurado tungkol doon.

“May mga kumukumbinsi sa akin. Hindi political party, hindi rin family ko, lalong hindi ang mommy ko. Ang mga residente sa Lipa City ang nagko-convince sa akin na kumandidato, pero hindi pa ako sure kung papasukin ko na ba ‘yung pulitika.

“Ang family ko naman, lalo na si Mommy, sinasabi nila na susuportahan nila ako sa lahat ng magiging decision ko ke showbiz, pulitika, business, o kahit na gusto ko na na sa bahay na lang ako. Very supportive naman talaga ang family ko. Pero hindi talaga nila ako pinipilit na mag-pulitika. Hindi sila ‘yung nagko-convince sa akin. Hindi rin political parties kundi ang mga residente talaga sa Lipa City,” sabi pa niya.

Tungkol naman sa balitang magpapakasal na sila ngayong 2015 ni Angel, hindi rin daw siya sigurado tungkol doon.

“January pa lang naman, who knows, baka puwedeng oo, puwede ring hindi. Too early to say kung magpapakasal na nga ba kami ngayong 2015.

“Kung may plano man kami, we will announce it naman. Siyempre, mauuna muna na mag-propose ako. Malalaman n’yo naman,” paliwanag ni Luis.

Tungkol naman sa kanyang career, ang The Voice of the Philippines ang iniho-host niya at may dalawa pa raw na game shows na puwede siyang gawin sa ABS-CBN, pero hindi pa raw puwedeng i-reveal sa ngayon ang tungkol doon.

Tungkol naman sa pelikula, ‘yung libro ni Alex Gonzaga under ABS-CBN Publishing at gagawing pelikula ng Star Cinema ay pagtatambalan daw nilang dalawa, pero wala pa rin daw official words from the film outfit of Kapamilya network tungkol doon.

“Sabi, kami nga raw ni Alex ang magtatambal doon, pero wala pa talagang pasabi kung kailan at kung tuloy. Wala pang story conference tungkol doon. Tinatanong ko nga si Alex tungkol doon, pero hindi pa talaga kami nagmi-meeting tungkol sa movie.

“Hindi ko rin alam kung when talaga kami mag-start,” pahayag pa ni Luis.

Toni pagtatrabahuhin si Alex sa mismong birthday

Speaking of Alex, dahil birthday niya mismo ang CELESTINE: Toni Gonzaga Cebu concert ng ate niyang si Toni Gonzaga, tiyak na may surprise si ate kay bunso, pero tahimik lang ang tinaguriang multi-media star tungkol doon.

Basta ang promise ni Toni, siguradong mag-i-enjoy ang mga manonood ng CELESTINE concert nila sa Waterfront Hotel Lahug sa Huwebes, January 15.

Bukod kay Alex, special guests din sa concert ni Toni sa Cebu sina Richard Yap at Xian Lim.

Tiyak na malakas din ang hatak ni Richard sa mga taga-Cebu dahil certified Cebuano ang Chinoy actor.

Oo nga pala, may ibang producer sa Cebu ang Waterfront Hotel concert ni Toni, pero tumutulong pa rin sa marketing and promotion ng CELESTINE si Pops Fernandez na producer ng nasabing concert nang una itong mapanood sa MOA Arena noong October 3.

ALEX BAHAY LIPA CITY LUIS NAMAN PERO TONI TUNGKOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with