^

PSN Showbiz

Aiza hindi agad pumasok sa utak na may asawa na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nami-miss na raw ni Raymart Santiago ang action film, kaya wish sana niyang kahit isa ay makagawa siya uli.

Sa TV na lang kasi siya nakakapagtrabaho at matagal na siyang hindi nakakagawa ng pelikula.

Nakasanayan na nga niya ang pagpapatawa at ngayon ay napapasabak na siya sa drama kagaya ng bagong drama series nila ni Jennylyn Mercado na Second Chances.

So far, sa drama series nila ni Jennylyn ay nahirapan daw siya nang husto dahil sa pagiging metikuloso ni direk Laurice Guillen sa bawat eksenang ginagawa nila.

Mamayang gabi na magsisimula ang Second Chances na pumalit sa timeslot ng Hiram na Alaala.

PAK: Inamin ni Camille Prats na pinag-uusapan na rin nila ng kanyang non-showbiz boyfriend ang pagpapakasal, at handa naman na raw siya pagkatapos niyang mabiyuda ng apat na taon.

Mas naka-focus naman daw ngayon ang pamilya sa kasal nina John Prats at Isabel Oli kung saan siya ang napiling Maid of Honor. Kaya tiyak na hindi pa ngayong taong ito ang kanilang kasal at pauunahin muna ang kanyang kuya.

BOOM: Doon pa lang sa wedding ceremony nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Batangas inamin ng huli na siya pala ang nanligaw kay Aiza nung nagkakilala ang dalawa.

Inabot daw ng 13 years bago siya nag-mature at natanggap ang sariling identity at handang pumasok sa same sex relationship. Doon daw niya napagtantong mahal niya talaga noon pa si Aiza.

Si Aiza naman, ngayon lang daw nag-sink-in sa kanya na may asawa na talaga siya at pinasok na ang buhay may asawa pagkatapos makatanggap ng mga regalong gamit pambahay.

Bahagi ng post nito sa kanyang Instagram (IG) account: “Bigla ko na lang naramdaman na oo nga, kasal na kami. Hindi na pang-akin ang regalong binubuksan ko. Pang bahay na. Grabe! Oo nga, may asawa na ako.”

AIZA

AIZA SEGUERRA

CAMILLE PRATS

ISABEL OLI

JENNYLYN MERCADO

JOHN PRATS

LAURICE GUILLEN

LIZA DI

SECOND CHANCES

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with