Feeling bagets! Jericho paurong kung umasta
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2015 - 12:00am

SEEN: Lumitaw ang pagiging fan ng tatay ni Liza Diño sa kasal ng kanyang anak kay Aiza Seguerra dahil nagpakuha siya ng litrato sa lahat ng mga artista na bisita.

SCENE: Look-alike na ni Joseph Bitangcol si JC De Vera dahil sa new hairstyle nito para sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

SEEN: Habang tumatagal, pa-cute at hindi umaarte ng naaayon sa kanyang edad si Jericho Rosales at pansin na pansin ito sa episode kahapon ng ASAP20.

SCENE: Mahigit sa 250 ang bilang ng mga cake para kay Piolo Pascual sa birthday celebration nito kahapon sa ASAP20. Ngayon, January 12, ang 39th birthday ni Piolo.

SEEN: Si Joe Barrameda ang bagong pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa halalan na ginanap noong Biyernes. Si Barrameda ang pangulo ng PMPC noong 2005.

SCENE: Kung hindi pa bibisita si Pope Francis sa Pilipinas, hindi aayusin ng DPWH ang mga center island sa Maynila.

SEEN: Napaaga ang pagbabakasyon ni Korina Sanchez bilang news anchor ng TV Patrol dahil hindi nasunod ang plano na mawawala siya sa news program ng ABS-CBN pagkatapos ng Papal Visit.

SCENE: Hindi kamukha ni Pope Francis ang Pope Francis dolls na ilalabas at ipagbibili ng isang doll manufacturing company sa pagdating niya sa Pilipinas sa January 15.

AIZA SEGUERRA DE VERA JERICHO ROSALES JOSEPH BITANGCOL KORINA SANCHEZ LIZA DI PAPAL VISIT PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB POPE FRANCIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with