_ngayon
^

PSN Showbiz

Iza ayaw munang magkaanak!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “That’s not my style,” mabilis na sagot ni Ms. Iza Calzado nang makatsika namin siya kahapon sa San Benito Farm (in Batangas) tungkol sa umano’y pinalulutang niyang babalik siya ng GMA para madagdagan ang talent fee niya sa ABS-CBN.

“Nag-start lang ‘yun sa finale presscon ng Hawak Kamay. May isang nagtanong lang kung kelan matatapos ang contract ko sa ABS-CBN so sinabi sa January (of 2015). Sinabi ko lang, gusto kong mag-aral ng acting workshop. Wala akong ibang sinabi. Parang nakakahiya naman na nasa ABS-CBN kami tapos ang pinag-uusapan namin paglipat sa GMA 7,” napapailing na sabi ni Iza.

Next week naka-schedule siya at manager niyang si Noel Ferrer na makipag-meeting kay Direk Lauren Dyogi, unit head ng ABS-CBN para sa mga susunod niyang project.

Parang kailan lang nang lumipat siya sa Kapamilya Network pero naka-three years na pala ‘yun. At lahat ng naka-stipulate sa contract niya ng tatlong taon ay natupad.

After Hawak Kamay, nakapag-rest ng konti ng actress at ginagawa niya ngayon ang fitness video niya under Ivory Records. At ang pasabog sa nasabing fitness video na lalabas end of this month, kakanta niya ng isang original song composed by Junjee Marcelo.

“I’m still shaking my head,” natatawang sabi ni Iza. “Pero noon pa talagang I wanted to sing. Intimidated lang ako kasi parang lahat ng ginagawa ko, gusto ko best ako. Pero nag-iba ako ng thinking. Di ba kailangan naman may bago kang io-offer sa fans para maiba naman. Kaya ito,” paliwanag ng actress na kahit walang make-up ay maganda.

Bukod sa original song na kinanta niya, ginawan pa nila ito ng music video.

So anong preparations ang ginawa niya?

“I took some voice lesson,” sabi niya.

Lifestyle change video ang totality ng concept ng fitness video.

Swak na swak kay Iza ang nasabing project dahil common knowledge ang tungkol sa kanyang katabaan noon. Pero dahil sa disiplina, tingnan naman ninyo, siya ang isa sa pinaka-healthiest sa showbiz.

‘Yun lang sa San Benito Farm, talagang na-detox siya para masigurong 100% healthy siya.

Eh wala pa ba siyang planong magkaanak?

Ayon kay Iza ini-enjoy muna nila ni Ben Wintle ang kanilang relasyon at wala pa sa plano niyang magkaanak.                     

AFTER HAWAK KAMAY BEN WINTLE DIREK LAUREN DYOGI HAWAK KAMAY IZA NIYA PERO SAN BENITO FARM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with