Ang matalino, madiskarte, hindi magaling sa English – Marian
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2015 - 11:24am

MANILA, Philippines – “Aanhin ko ang kagalingan sa Ingles kung hindi naman ako madiskarte sa buhay.”

Ito ang sagot ni Kapuso star Marian Rivera sa mga nangungutya sa kanyang kagalingan sa pagsasalita ng Ingles.

Inamin ni Marian na hindi siya kagalingan sa Ingles ngunit sinabing hindi naan dapat ito ang maging basehan kung matalino ang isang tao.

“Sabi ko nga, 'yon ba ang basehan ng mga tao sa pagiging matalino?” wika ni Marian sa umereng episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho” nitong kamakalawa nang bisitahin niya ang pinagtapusang De La Salle University sa Dasmarinas, Cavite.

"Kasi para sa akin ang matalinong tao, e, magaling dumiskarte sa buhay,” patuloy niya. 

Aniya walang taong bobo ang nakapagtapos ng pag-aaral lalo na sa isang magandang pamantasan.

“Para maka-graduate ka ng Psychology sa isang magandang eskuwelahan, walang bobong tao na nakaka-graduate ng psych.”
 

AANHIN ANIYA CAVITE DASMARINAS DE LA SALLE UNIVERSITY INAMIN KAPUSO MO JESSICA SOHO MARIAN RIVERA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with