^

PSN Showbiz

Kahit 2015 na, Raymart wala raw suwerte sa pag-aasawa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Uso na naman ang mga hula-hula sa pagpasok ng taong 2015. Mabenta ngayon ang psychic na si Maricel Gaskel na nagsabing maganda naman ang takbo ng relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna kaya lang wala pa ring magaganap na kasalan sa taong ito.

Idinagdag pa rin ni Gaskel na maraming ka­sa­lang magaganap sa 2015 pero bihira ang mga maghihiwalay.

Malabo na ring magkabalikan pa sina Raymart Santiago at Claudine Barretto dahil hindi sila compatible sa maraming bagay. Hindi sinuwerte si Raymart sa kanyang pag-aasawa.

Arnold hulog ng langit sa mga batang may diabetes

Malaking bagay ang naitutulong ni Arnold Clavio sa mga bata sa pamamagitan ng kanyang Diabetes Foundation. Nakakaawa ngang tingnan ang isang bata na sa murang edad ay nagsasaksak na ng insulin.

Kamakailan ay nagdaos ng concert si Igan na pinamagatang RAPSARAP para sa mga batang diabetikong sa PETA Theater Center. Naroon ang sampung batang tinutulungang maipagamot ka­sama ang 40 batang diabetiko mula sa Department of Pediatrics ng UP-PGH.

Ikalawang beses nang nagtamo ng MWWF Gintong Palad Public Service Award si Arnold dahil sa kanyang pagiging matulungin sa kapwa laluna sa mga bata sa pamamagitan ng kanyang Diabetes Foundation.

 

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

CLAUDINE BARRETTO

DEPARTMENT OF PEDIATRICS

DIABETES FOUNDATION

GINTONG PALAD PUBLIC SERVICE AWARD

MARICEL GASKEL

PAULEEN LUNA

RAYMART SANTIAGO

THEATER CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with