^

PSN Showbiz

Pulitika wala muna sa plano

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

‘I want to spend more time with my family and write more books’  

Marami ang nagtatanong sa inyong lingkod kung papasukin ko na nga ba ang mundo ng pulitika sa susunod sa taon. Maging ang aking ina ay gusto rin akong maging public servant noon pa man. She wanted me to get into public service because in our small family, I have a sister who is the Mayor of our small city in Borongan. Nanay, after having been a public school teacher went into politics. My father was a town politician. I’m the only one who didn’t go into public service. I’m sure she would be proud if I went into public service but am I running for public office in 2016? No, dati I was looking into running for a post in Eastern Samar, pero ngayon parang I want to spend more time with my family. I want to write more books for ABS-CBN Publishing. There are other things that I am aiming to do. Am I closing my doors? Mahirap, it’s difficult to say never.

Beauty nagpang-abot ang dalawang BF?

Kasamang nagbakasyon sa Korea ni Beauty Gonzalez ang bagong kasintahan na si Norman Crisologo nitong Kapaskuhan. Matatandaang nagbakasyon si Beauty sa Paris kamakailan nang maghiwalay sila ng dating kasintahan. Kumalat ang balitang nagpang-abot diumano ang dalawang lalaki bilang mga nobyo ng aktres. “I want to clear up that issue. When I went to Paris, I went there for myself. He (Norman) was in Europe at that time because he was on vacation and he surprised me. It was our first date in Paris. May I clear that there was no overlapping of relationships on both sides. Dumating ito sa tamang panahon,” paglilinaw ni Beauty.

Ginulat ng dalaga ang lahat nang magpaseksi sa FHM sexiest party noong isang taon. Wala raw problema sa bagong kasintahan ni Beauty ang kanyang ginagawang pagpapaseksi sa mga proyekto. “Hindi ako namimili ng roles. Kung maganda at bagay sa akin at kaya ko namang gawin, why not? Gusto ko ‘yung trabaho ko. I’m very happy with him. He’s a blessing to me kasi when we started the relationship, biglang maraming dumarating sa akin. So he’s my lucky charm,” pagbabahagi ni Beauty.

Kasama ang aktres sa teleseryeng Dream Dad na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo. Kahit abala sa trabaho si Beauty ay gumagawa naman daw ng paraan si Norman upang magkasama sila nang madalas. “He’s been very supportive, he finds time na magkaroon kami ng oras. Sometimes, pupunta siya sa taping just to say good night,” pagtatapos ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

AM I

BEAUTY

BEAUTY GONZALEZ

DREAM DAD

EASTERN SAMAR

MAY I

NORMAN CRISOLOGO

WHEN I

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with