^

PSN Showbiz

Taxi drivers saksi: Premyadong aktres sa casino na halos nakatira!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpipistahan palagi ng isang tropa ng mga taxi drivers ang isang premyadong aktres na madalas nilang maging pasahero kapag madaling-araw na. Kung minsan ay may kasama ang babaeng personalidad pero kadalasan ay nag-iisa lang siya.

Hindi pa man nagsasalita ang prem­yadong aktres kung saan ang kanilang destinasyon ay alam na agad ‘yun ng taxi driver, isang matao at mausok na lugar ang kanilang pupuntahan, du’n lang madalas magbabad ang pamosong aktres.

Kuwento ng aming source, “Naloloka ang mga dribam (read: driver) dahil dalawang araw at dalawang gabing nandu’n lang si ____(pangalan ng prem­yadong aktres). Naisasakay kasi nila uli ang aktres kapag pauwi na.

? ‘Yun pa rin ang suot niyang damit, hindi nagbihis, halatang-halatang wala siyang tulog dahil sa biyahe pa lang, e, naghihilik na siya!

“Nakakaloka ‘yun, ha? Two days and two nights siya sa casino? Tumatagal siya nang ganu’n ka­tindi? Kaya naloloka sa kanya ang mga pumipilang taxi drivers!” kuwento pa ng aming impormante.

Hindi na bago ang ganu’ng kuwento dahil maraming nakakakita sa premyadong aktres sa halos pagtira na ­niya sa casino. Wala talagang liguan ‘yun, walang uwian, hanggang hindi pa nasasaid ang kanyang puhunan.

“Nakilala siya agad, iling nang iling ang guard dahil napakaliit daw pala talaga ng aktres na idolo ng nanay niya. ‘Yun na talaga ang buhay niya, kaya kapag ang location ng shooting niya, e, mga lugar na walang casino, inip na inip siya, gusto niyang tapusin na agad ang mga eksena niya!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, walang kadala-dala, wala pa rin siyang pagbabago!” nanghihinayang na kuwento ng aming source.

?Ubos!

Bagong programa ng TV5 napapanahon!

Malapit nang mapanood sa TV5 ang isang programang binalangkas para sa mga kababayan nating salat ang kaalaman sa legalidad.

Makabuluhan ang programang magkatuwang na itatawid nina Gelli de Belen at Attorney Mel Sta. Maria na apat na taon nang napapanood-napapakinggan sa Radyo Singko kasama ang hepe ng News 5 na si Ms. Luchi Cruz-Valdes.

? Kung nabibitin ang mga Pinoy sa mga payong legal na ibinibigay ni Attorney Mel Sta. Maria araw-araw sa programang Relasyon sa 92.3 News FM at Aksyon TV-41 ay ito na ang pagkakataon para matuto ang ­ating mga kababayan dahil puro kaso at problema ang tatalakayin sa bagong show nina Attorney Mel at Gelli.

?Kapag may nangyayaring gulo ay isa lang ang naririnig nating pinag-uugatan, “Ano’ng problema mo?” Mula du’n ay magkakagulo na, magbabakbakan na, dahil lang sa simpleng tanong na “Ano’ng problema mo, pare?”

?Du’n umiikot ang kabuuan ng show, What’s the Problem?, tatalakay sila ng mga problemang nanga­ngailangan ng solusyon. Puwedeng naloko sila sa biniling lupa, puwedeng sapilitan na silang pinaaalis sa kanilang tirahan, puwede ring natakbuhan sila nang malaking utang sa negosyo.

?Lahat ng mga kaso-problemang ihaharap sa kanila ng ating mga kababayan ay lalapatan agad nang agarang solusyon nina Attorney Mel Sta. Maria at Gelli de Belen, nasolusyunan na ang mga problema ay matututo pa tayo ng mga terminong legal, napakanapapanahon ng programang ito ng TV5.

ANO

ATTORNEY MEL

ATTORNEY MEL STA

BELEN

GELLI

MS. LUCHI CRUZ-VALDES

NAKAKALOKA

RADYO SINGKO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with