Aiai ayaw nang palakihin ang pagababati nila ni Kris, hindi kasi inendorso ang pelikula Kris harap-harapang sinita si Gov. Vi
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2015 - 12:00am

PIK: Mainit pa ring pinag-uusapan ang kasalang Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera, pero hindi pa rin nagpahuli si Kris Aquino na isa sa umeksena sa kasalan dahil sa pagbabati nila ni AiAi delas Alas.

Pagkatapos ng pagbabati, muli naming tinanong si AiAi kung maibabalik na nga ba sa dati ang kanilang friendship, parang tulala pa rin ito at napapangiti na lamang siya.

Sabi lang niya, okay na raw ‘yun at huwag na masyadong palakihin pa.

Pahayag pa ni AIAi: “Ang buhay natin, sabi nga sa akin ni Bro. Bo (Sanchez)…kasi sa age ko nga­yon, second part of my life na eh. Kumbaga sa play, may first part, may second part. Now is the second part of my life, sabi nga more compassion, more love, more happiness.

“Yung mga ibang mga bagay na mga ano…puwede na natin palagpasin.”

PAK: Kinorek naman kami ni Kris Aquino nang sinabi namin sa kanya na bongga ang partnership niya sa dalawang pelikulang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) na Praybeyt Benjamin at Feng Shui.

Sa Feng Shui lang daw pala siya may participation dahil kinausap daw siya ni Mr. Gabby Lopez na huwag na raw siya magsosyo sa Praybeyt Benjamin.

“Sabi niya sa akin, ‘yung talent fee ni Bimb (Bimby Aquino Yap) plus the equivalent amount as bonus binigay, huwag na raw kami sumosyo sa Praybeyt, kasi 50-50 daw kasi sila ng Viva. Pero hindi pa kami bayad. Sa January 10, eh kasalanan ko pala, hindi ko kasi napirmahan ang kontrata,” masayang kuwento ni Kris.

Masaya naman daw siya dahil maganda ang kinalabasan ng Feng Shui.

Hindi pa tumigil si Kris, nagpahayag din siya kay Gov. Vilma Santos ng pagtatampo nila ni Direk Chito Roño, dahil inendorso ng Batangas governor ang Shake, Rattle and Roll 15 pero ang movie nila ay hindi.

“Alam mo naman pagdating sa‘yo selosa kami ni Direk Chito,” natatawang emote ni Kris kay Gov. Vi.

Nagpaliwanag naman ang Star for All Seasons na hindi naman daw niya puwedeng dedmahin si Mother Lily na nag-sponsor sa kanyang Ala Eh! Festival.

BOOM: Sandaling nakatsikahan naman namin si Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa kasal nina Dingdong at Marian, gusto pala ni Doc Hayden na mag-lead ng prayer service kay Sen. Bong Revilla sa Camp Crame.

Tuwing Linggo ay may prayer service sa Crame para kay Sen. Bong kasama ang buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Willing si Doc Hayden na mag-serve roon ng prayer worship dahil nagawa na rin nga niyang mag-talk sa Cavite kasama si Vice Gov. Jolo Revilla.

ALA EH ALL SEASONS BIMBY AQUINO YAP BONG REVILLA CAMP CRAME DOC HAYDEN FENG SHUI KRIS AQUINO PRAYBEYT BENJAMIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with