Sharon nagluluksa pa rin sa namayapang ina kaya hindi nakipagkasal, Nate hindi nagmartsa, kinarga pa nina Regine at Ogie papuntang altar
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2015 - 12:00am

SEEN: No-show si Sharon Cuneta sa church wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Martes dahil ipinagluluksa pa niya ang namayapang ina. Kahapon, December 31, ang birth anniversary ni Mrs. Elaine Cuneta.

SCENE: Hindi du­malo sa kasal nina Ma­rian at Dingdong ang mga big boss ng GMA-7 na sina Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at President Jimmy Duavit.

SEEN: Hindi nagmartsa si Nate Alcasid, isa sa mga crucifix bearer sa DongYan wedding. Kinarga si Nate ng kanyang mga magulang na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez patungo sa altar.

SCENE: MiuMiu shoes ang ginamit ni Marian Rivera sa kanyang kasal, hindi ang Christian Louboutin shoes na binili niya noon sa Macau trip nila ni Dingdong Dantes.

SEEN: Hindi na nagpunta sa wedding reception sa Mall of Asia Arena ang ibang mga principal sponsor ng Royal wedding.

SCENE: Scented candle at oil diffuser ang mga wedding souvenir na natanggap ng mga bisita mula sa bagong kasal.

SEEN: Magkahiwalay ang lugar ng mga bata at matatanda na imbitado sa wedding reception. Maaga na pinakain ang mga bata na member ng wedding entourage.

SCENE: Umasa  ang mga “uninvited blogger” sa mga social media post ng mga bisita tungkol sa mga kaganapan sa kasal at namik-ap na lamang sila ng mga litrato nang walang pahintulot.

CHRISTIAN LOUBOUTIN DINGDONG DANTES FELIPE L MALL OF ASIA ARENA MARIAN RIVERA MRS. ELAINE CUNETA NATE ALCASID
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with